Chapter Twenty-nine

1.2K 62 0
                                    

Mandi

Sa sobrang excited kong pumunta sa isla kung saan sila lumaki ni Lyrie, hindi na ako nakatulog. Inimbita kami ni Sasha at ng Kuya Roldie sa celebration nila sa Bantayan this coming December twenty six. Pinayagan ako ni lola na umalis dahil deserve ko rin naman daw na makahinga sa sobrang stressed ko sa school. Kakatapos lang kasi ng sem at halos buong buwan akong naka focus sa pag-study. At dahil sasama sila Tita at Tito, napagdesisyonan ng barkada na doon na rin magsalubong ng pasko at bagong taon.

  Tatlong araw pa bago ang celebration pero maaga kaming pupunta para masulit namin ang bakasyon. Alas singko ako ng umaga sinundo ng van kasama sina Lyrie at ang iba. Susunod lang raw sina Tito at Tita sa susunod na araw dahil may aasikasuhin pa sila kung kaya kaming magbabarkada lang ang nauna. Halatang mga excited nga.

  “Good morning, Mands. Tulog na ang iba sa likod. Diyan ka nalang sa tabi ni Rafa, para naman may kasama ang bakla,” mahinang sabi Lyrie nang makapasok ako.

  Tumango ako sa kanya na nakaupo sa likuran ng inuupuan ni Rafa. Inayos ko ang pag-upo ko at pumwesto na. Habang umandar ang sasakyan ay nabusy ako sa kakascroll sa cellphone ko–tinitignan ang updates sa music namin. Pagkatapos ay binuksan ko ang chat ni Lewis.

From: Lewiiii

Mandiii, ingat kayo sa byahe. Don't forget your sunblock. Xoxo

   Nag reply ako ng gif na tumatango at tsaka pinatay ang cellphone ko. Naging successful ang release namin sa unang original composition. Medyo naging mahirap ang process pero worth it naman ang naging resulta. Si Lewis naman, mas naging magkalapit kami sa isa't-isa. Mabait kasi ito at masayang kasama, 'yung tipong andaming gimmick na alam. Tsaka mahilig din siya sa musika kaya nagkakasundo talaga kami. One time pa nga ay pinakilala niya ako sa best friend niyang si Stacy, sa una ay natakot pa ako dahil bukod sa sobrang tangkad, sobrang sungit din. 'Yung tipong tingin palang, parang hindi na ako makapagsalita.

  Inayos ko ang paghiga ko sa headboard ng upuan ko. Matagal pa naman siguro ang byahe, dapat maging komportable ako. Napatigil lang ako nang biglang huminto ang sasakyan. Dahil medyo may kadiliman pa, hindi ko masyadong makita ang labas. 


  Naramdaman ko ang mahinang pag kalabit sa akin ni Lyrie at tsaka ito bumulong. “Mands, nakalimutan kong sabihin na si Debby pala ay sasama. Nag change plan daw eh.”

  Napatigil ako. Buong akala ko ay hindi siya susunod, kaso siya pala ang huling susunduin. Ilang buwang hindi pagkikita, tapos dito kami ulit mag memeet. Nakakakaba naman.

   Nang magbukas ang pintuan ay gulat siyang napatingin sa akin at dahil walang ibang available na space, umupo na siya sa tabi ko. Mabilis ko siyang binigyan ng pilit na ngiti at nagkunwareng interesado sa kamay ni Rafa.

  “Okay na ba guys? Byahe na ako sa port.”

  Tumango kami kay Kuya Roldie na siyang nag dridrive ngayon, kasama niya sa front seat si Sasha na tulog.

  “Ehem. Goodmorning, pahinga muna kayo,” mahinang sabi sa amin ni Lyrie.

  Naramdaman ko ang kanyang paggalaw. Umubo siya ng mahina bago nagsalita, “Good morning, M.”

Strange Compatibility Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon