Chapter Eleven

1.2K 66 3
                                    

Mandi

Gabi na nang makarating kami sa bahay ni Debby. Inihatid niya kaagad kami sa guest room kung saan nakahanda ang dalawang malalaking higaan para sa amin. Ibang room ito sa natulugan namin kahapon.

  Nakatayo ito ngayon sa harap ng pinto at nakangiti. “If you need me, my room is the last door to the right. Call me lang. I'll call you mamaya para mag dinner, ha? Pahinga muna kayo.”

   Tumango ako at binigyan siya ng tingin na nagpapakita kung gaano ako nagpapasalamat sa ginagawa niya. “Thank you so much, D.”

  Hinawakan lang nito ang braso ko at nakangiting umalis sa harap ko. Napalunok ako dahil para akong nakuryente sa hawak nito sa akin. It feels different, but in a good way.

  Ano ba 'yan, Mandi. Huwag mo na muna itong isipin.

  Pumasok na kaming tatlo sa kwarto at halatang namamangha naman ang dalawa sa ganda neto.

  “Ate?” rinig kong tawag ni Mavie.

  Humarap ako sa kanila na ngayon ay nakaupo sa dulo ng higaan. “Hmm?”

  “Ang laki ng bahay at ang yaman naman ni Ate Debby, pero nakakahiya dito. Tawagan kaya natin sila Lola, ate?” mahina nitong tanong.

   Alam ko ang nararamdaman nila dahil ako rin naman ay nahihiya sa pagtira dito. Si Lola rin ang pumasok sa isip ko kanina, kaso alam kong may sakit siya kaya kung pwedeng hindi ko siya abalahin, gagawin ko. Kaya ko na itong problemahin mag isa.

  “Alam n'yo naman na may sakit si Lola kaya ayaw kong binabalitaan siya ng masama. Pero bukas susubukan ko kausapin si Lola para hindi siya mabigla.”

  Lumapit naman ang isang kambal sa akin, ang kanyang mukha ay may bahid ng lungkot. “Wala na ba talaga ang lahat ng 'yon ate?”

   Hindi ko mapigilan na mapaluha sa tanong ng kapatid ko. Alam ko kung gaano kaimportante 'yun sa amin. Maraming alaala nina mama ang naiwan doon, at kahit ako ay napapatanong din kung bakit kailangan mangyare pa ito.

  “Pasensiya na kayo. Wala akong magawa para maisalba eh. Masyadong malaki ang kailangan natin, hindi nagkasya ang meron ako.”

  Hindi nila ako sinagot, sa halip ay niyakap pa nila ako. Alam ko naman na kahit masakit para sa kanila na lisanin ang bahay na minsan na naming tinawag na tahanan ay maiintindihan pa rin nila na hindi madali ang sitwasyon namin.

  Nag angat ng tingin si Maddie sa akin. “Thank you sa lahat ng sakripisyo mo ate.”

  “Oo nga. Hindi namin alam kung paano ka namin papasalamatan sa sobrang dami ng sakripisyo mo para sa amin,” sumpon naman ng kambal niya.

  Nauna akong bumitaw sa yakap at tig-iisang hinawakan ang mukha nila. “Basta para sa inyo, kakayanin ko.”

  Mahinang katok ang pumutol sa dramahan naming tatlo. Nag pop ang ulo ni Debby sa nakaawang na pintuan habang nakangiti. “Hey, girls. The dinner is ready na. Tara?” alok niya.

  Tumango kami at sumunod kay Debby. Malaki ang bahay niya at masasabi mo talaga na alagang alaga ito. May mga iba-ibang painting din na nakasabit sa pader at ang madalas sa mga ito ay painting ng damit. Nang makapasok kami sa kanyang dinning room, medyo nasurpresa ako sa dami ng pagkain na nakahain.

  Tinignan ako ni Debby. “I don't know what you guys like-so... yeah.”

  Nahihiya kaming umupo at kumain. Tahimik ang mesa, tunog ng kurtsara at pagbangga sa pinggan lamang ang maririnig. Nang matapos ay nag offer kaming magligpit at hugas, na hindi na napigilan ni Debby dahil nagpumilit na kami. Nakakahiya na kasing patirahin at pakainin dito, kahit sa paghuhugas man lang ay masuklian namin ang kabutihan niya. Pagkatapos ay nauna nang pumasok ang mga kapatid ko habang kami ni Debby ay naiwang nakaupo sa sopa niya sa sala.

Strange Compatibility Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon