Chapter Nine

1.1K 78 3
                                    

Mandi

Hindi ako makatulog ng maayos at hanggang mag umaga ay nakatulala lang ako sa hinihigaan ko katabi sina Rafa at Hugo. Sa kabilang kama naman ang magjowang si Aikah at Kate na mapayapang nagyayakapan.

Hindi nagtagal ay napagdesisyonan kong tumayo at lumabas upang magpahangin at nagulat naman ako nang may makasabay akong lalake na lumabas galing sa kwarto ni Debby. Nag aayos ito ng damit at buhok at nang makita niya ako ay napatigil siya.

"Hey, good morning."

Ngumiti ako ng tipid at pilit na tinatanggal ang mga hindi kaaya-ayang pumasok na senaryo sa isipan ko. Eh ano naman ngayon kung may poging lalakeng lumabas sa kwarto niya?

"Are you going to get coffee? Tara, sabay tayo," wika niya at nahiya naman akong tumanggi kaya sumunod nalang din ako.

"I'm Yohan pala."

"I'm Mandi. Nice to meet you, Yohan."

Nag offer siyang mag timpla ng kape ko kaya hinayaan ko nalang ulit. Sinabihan ko siya ng gusto ko at umupo na sa stool sa harap ng counter.

"Are you sure you don't want some sugar in it?"

Umiling ako. "Mas nalalasap ko ang kape kapag wala eh." Tinignan niya ako ng saglit bago ibinigay ang kape sa akin. "Thanks."

Inihanda niya ang kanyang inumin at nang matapos ay lumapit ito sa akin. "So you and Deb are friends?"

Tumango ako, gusto ko din sana itanong sa kanya pero parang wala naman ako sa lugar para magtanong kaya tinikom ko nalang ang bibig ko.

Tinignan niya ako ng matagal bago nagsalita ulit, "Do you always answer everything with a nod and small sentence?"

Umiling ako. "Umaga pa kasi, tsaka naninibago lang ako sa paligid kaya tahimik ako." Pero kahit naman nasaan ako tahimik naman talaga ako.

"I've heard that you have a band. Do you write songs as well?"

Oh, nakwento ba ni Debby?

"Yes. Pero madala lang naming kinakanta sa gigs eh."

Napansin ko ang pagsilay ng ngitinsa kanyang labi. "Whoa, where do you guys usually play?"

"Madalas kami sa Fraiz at Grandy's, sa may tapat ng mall sa Vellas."

"Whoa, I've been there pero sucks ata na hindi ko kayo natiyempohan." Umiling-iling pa ito bago nagpatuloy, "Can I have your number? Gusto ko kasi may band sa upcoming party ko and I want someone na kakilala lang, pwede ba kayo?"

Natigilan ako sa tanong niya. Mabait naman pala ito, medyo hindi ko lang maexplain ang naging reaksyon ko kanina nang makita ko siyang lumabas sa kwarto ni Debby. Hindi ko man gustong aminin, medyo nainis ako sa nakita ko kanina.

Tumango ako sa kanya na sinuklian niya ng malapad na ngiti. Lumapit siya sa akin at inabot ang cellphone niya para doon ko nalang ilagay pero nabitawan niya ito sa gulat nang bigla kaming nakarinig ng sigaw.


"Yohan! I swear if you touched any of my favori-Hey, M." Biglang humina ang boses niya nang makita ako na nakatitig sa nakaluhod na si Yohan. Kawawang cellphone naman, sana hindi nabasag.

Strange Compatibility Where stories live. Discover now