Chapter Forty-three

1.2K 62 10
                                    

Mandi

Papasok na sana ako sa kwarto nang bigla akong nakarinig ng tumutugtog na musika sa labas. Taka akong bumalik sa sala kung saan nakaupo si Lola na taka ring nakatingin sa akin. “Nagpatugtog ka ba, Mandi?”


  Umiling ako. “Hindi, la. Akala ko nga dito sa sala nanggaling ang narinig ko. Puntahan ko lang po ang kambal, baka sa kwarto nila nanggaling.”

  Tumango si Lola sa akin at ibinalik ang atensyon sa telebisyon. Paalis na sana ako nang may narinig akong pamilyar na boses na kumakanta.

  “May kumakanta ata sa labas. Kakatapos pa naman ng pasko, ah?” wika ni lola at napatango ulit ako.

  Hindi nga pasko, pero may idea na ako kung sino ito. Kabado akong nagbukas ng pintuan at nanlaki naman ang mata ko nang makita ko si Debby na nakahawak ng microphone na nakakonekta sa isang speaker malapit sa kotse niya. Nakabukas ang pinto nito at kumaway sa akin si Tatiana, Lyrie, at Sasha.

  “The best thing about tonight's that we're not fighting
   It couldn't be that we have been this way before
  I know you don't think that I am trying
  I know you're wearing thin down to the core, "

  Napakurap ako. Anong meron?

  “-But hold your breath
  Because tonight will be the night that I will fall for you
  Over again
  Don't make me change my mind
  Or I won't live to see another day
  I swear its true
  Because a girl like you is impossible to find
You're impossible to find.”

  Taka akong naglipat ng tingin sa tatlo niyang kasama na ngumiti lang sa akin.

  Biglang tumabi sa akin si lola. “Ano ba ang meron at ang tagal mo-nako!” Natigilan ito sa nakita tsaka napalingon sa gawi ko. “ Namamasko ba ang kaibigan mo?”

  “Hindi ko rin alam, Lola, ” sagot ko at napatingin ako sa gilid ng pintuan na nilakihan ang bukas ng kambal na nakikinood na rin.

  “Whoa! Anong ginagawa ni Ate Debby?” tanong ng isang kambal.

  “Bakit siya nag coconcert sa harap ng bahay?” sumpon naman ng kambal niya na si Mav.

  “Hindi ko rin alam,” sagot ko ulit.

  Pare-pareho lang kaming nagtataka sa nangyayare ngayon.

  “So breathe in so deep
   Breathe me in
   I'm yours to keep
   And hold onto your words
   'Cause talk is cheap
   And remember me tonight when you're   asleep.”

  Namula ako sa lyrics ng kanta habang si Debby ay hindi ni minsan nagtanggal ng tingin niya sa akin.

  Nananaginip ba ako?

  “-Because tonight will be the night that I   will fall for you
  Over again
  Don't make me change my mind
  I won't live to see another day
  I swear it's true
  Because a girl like you is impossible to find napatigil ito ng ilang segundo bago nagpatuloy, “you're impossible to find. ”

Strange Compatibility Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon