Epilogue

2.2K 77 34
                                    

Mandi

Maaga palang ay naghanda na ako ng breakfast para sa amin ni Debby. As always, tulog mantika pa rin ang girlfriend ko. Isang taon na ang nakalipas simula nang maging official kami. Hanggang ngayon natatawa pa rin kami sa tuwing naaalala namin ang biglaang proposal niya as girlfriend sa labas ng cr nila Lyrie.

  Madalas akong namamalagi sa bahay niya para may kasama siya at hindi na ako matagalan sa pag commute, lalo pa't busy na sa school. Pinayagan naman kami ni lola at ng parents niya dahil may mga tiwala naman ito sa amin.

  Pagkatapos kong magluto at mag ayos ng mesa ay dumeretso na ako sa kwarto niya upang gisingin siya. Pagkapasok ko ay nakahiga pa ito at masama ang tingin sa ilaw sa taas.

  “Good morning, D. Kumusta ang tulog mo?” tanong ko habang naglakas papalapit sa kanya.

  “It's not nice. How dare you show up in my dream and tell me na may iba ka na? Nakakainis!”

  Pinagsasabi niya?

  “Kasalanan ko ba na ganun ang panaginip mo? Tsaka, bakit ka ba naiinis eh panaginip lang naman.”

  Tumayo ito sa higaan at padabog na binuksan ang pintuan ng banyo. “Because I thought it was real and I didn't get to kick the guy na nagpakita sa dream ko,” wika niya habang nag hihilamos. As always, nabasa na naman ang shirt kong ginamit niyang pantulog. Ang cute niya tignan.

  “Ewan ko sa'yo, D. Pagkatapos mong mag ayos, dumeretso ka na sa mesa kasi nakahanda na ang breakfast.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na ng kwarto upang magtimpla ng kape.

  Ilang minuto pa ang lumipas bago siya lumabas na mukhang nakapag freshen up na.  “I really need to shop for new clothes. I can't find a dress na magfifit mamaya sa party!”

  Umiling lang ako sa sinabi niya. Sobrang puno na ng walk-in closet niya pero halos every week bumibili ito ng bagong damit na akala mo ay magkakaubusan na. Hindi ko naman siya pinagsasabihan dahil pera niya naman 'yun at masaya naman siya sa ginagawa niya. Pero nakakagulat lang talaga ang tambak minsan.

  “Thank you for the breakfast, darling. Do you like your dress ba? I put it in your closet kagabi, I want you to wear it later.”

  Taka akong umiling. Wala kasi akong napansin na dress, at hindi ko rin naman ni-check ang closet ko. Mamayang gabi kasi may celebration sa clothing line company niya. Ilang buwan din siya nag hirap dito kaya sobrang nakakaproud ang success niya ngayon.

  “Titignan ko mamaya, hindi ko pa kasi nabubuksan ang kabinet ko. Anong oras ba tayo aalis?”

  “Mga seven. I'll call my hair and make up artist to come here nalang, I'll also call my assistant to buy me a dress din. I change my mind, I don't want to go out today. Do you want to cuddle with me after breakfast? You only have yes and yes sa pagpipilian.” Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti na nagpapula naman ng pisnge ko.

  “Paano na sila Lola? Kailangan ko silang samahan mamaya.”

  “Nah, they are going with your tito na. The twins called me last night.”

  “Grabe, sino ba ang kapatid sa atin? Bakit ikaw lang tinatawagan?” kunware kong tampo.

  Sa sobrang close nila kay Debby, minsan nakakalimutan na nila na ako ang kapatid nila. Hindi naman ako nagseselos sa closeness nila. Masaya nga ako na magkasundo sila, wala na akong proproblemahin kung sakaling mag propose man ako in the future. Balak ko talagang gawin 'yun dahil sure na sure na ako sa nararamdaman ko sa kanya. I know na marami pa kaming pagdadaanan pero sigurado na ako na siya ang makakasama ko sa ups and downs ko, sa ups and downs namin.

Strange Compatibility Where stories live. Discover now