Chapter Fifteen

1.1K 62 1
                                    

Mandi

Almost two months na rin simula nang magstart kaming mag work kay Debby. Nakasama ko na rin siya sa dalawa pang concert. Una, nagpunta kami sa isang local band malapit lang sa amin. Tapos sa pangalawa naman, isa na namang pop punk band na timing ay may mini-concert dito sa city. Nahiya na ako sa mga libre niya, ngunit ayaw niya rin naman tanggapin ang bayad ko. Ang tanging nasusukli ko lang sa kanya ay ang pagluluto ng kanyang new favorite pakbet at pagbibigay sa kanya ng kanyang favorite sweet treats.

Sa loob ng dalawang buwan, paminsan minsan ay nagbibigay ako ng hint sa nararamdaman ko, ngunit minsan talaga ay natitiklop ako. Kaya hanggang ngayon, hindi parin ako naka-amin sa kanya. Hindi ko alam kung napapansin niya ba ako, dahil madalas talagang awkward ang pakikitungo ko sa kanya kapag kaming dalawa nalang. 'Yung tipong bigla nalang akong nahihiya at natatameme, tapos halos hindi pa makarinig sa mga pinagsasabi niya.

Nagbibihis ako ngayon dahil may party na gaganapin sa bahay nila Lyrie, para kay Baby Lynrie. Namiss ko rin ang batang 'yun. Kahit sandali lang namin itong nakilala, napalapit na rin talaga ang loob ko sa kanya.

Habang nag bibihis ay biglang nag ring ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong kinuha. Muntik naman akong mapatalon nang makita ko ang pangalan ng babaeng madalas na naglilibot sa isip ko.

D is Calling

Huminga muna ako ng malalim bago sinagot. Sa pagmamadali at sa taranta ay muntik pa akong matumba nang marinig ko ang boses niya.

"Hey, M! Are you going to Lyrie's house too?" tanong nito sa kabilang linya.

"Ahh, oo. Bakit, D?" Tanong ko rin pabalik.

"Just wanna know because I'm also on my way. Do you want me to kuha you there? Let's sabay na!" Mabilis siyang nagsalita pero nakuha ko naman lahat ng sinabi niya.

Siya? Makakasampa ko na naman sa sasakyan? Bakit pa ako tatanggi?

"Uhh, okay sige. Patapos na rin naman ako sa pagbibihis. Pwedeng text ka nalang kapag nasa baba ka na?"

"Sure sige. See you, M."

Na-end niya ito bago pa ako makapag-paalam. Dali-dali ko namang tinapos ang pagbibihis ko at tsaka inihanda ang mga dadalhin ko para kay baby Lynrie.

Mga ilang minuto rin ako nagkulong sa kwarto para ayusin ang suot ko. Nakasuot ako ngayon ng ripped pants at simple shirt pero presentable naman na tignan. Kinausap ko pa ang sarili ko sa salamin hanggang sa marinig ko ang tawag ni lola sa akin. Patakbo akong lumabas, kung saan naabutan kong nag-uusap sila ni Debby at Lola sa sala.

Pinasadhan ko ito ng tingin at nakita kong nakasuot ito ng dress na white na above the knee, at kahit anong simple ng design ay malalaman mo talagang galing sa isang famous designer ito. Syempre, si Debby na 'yan eh.

Napadpad ang tingin ni Debby sa akin at agad itong napangiti. "There she is. Hi! You look cute, M."

Namula ako sa sinabi niya at tumayo sa tabi ni lola. "Ang ganda mo rin, D."

Nagtinginan kami saglit bago naputol ni lola na nagpaalam para tapusin ang ginagawa niya. Sumunod ako rito para magpaalam, bago kami nagpunta ni Debby sa sasakyan niya.

Strange Compatibility Where stories live. Discover now