Chapter Twenty-one

1K 64 5
                                    

Mandi

Sa sobrang excited kong pumasok sa trabaho ngayong lunes, hindi ko na malayang natapos ko na pala ang isang week na gawain sa isang major subject namin. Nang maayos ko ito ay inaya ko na si Rafa at Hugo na umalis, parehong busy kakascroll sa cellphone.

  “Hoy, sis! Ayaw ko namang sirain ang puso mo pero tignan mo ito,” sabi ni Hugo at lumapit para ipakita sa akin ang picture na ni-post ni Debby.

  Nakangiti ito habang katabi ang isang giraffe. Ang ganda niya talaga. Para tuloy akong natutunaw kahit litrato niya lang ang kaharap ko. Napunta ang mata ko sa caption at kahit ayaw kong aminin, medyo nainggit talaga ako sa nakalagay. "You and my mind always connect talaga. Thanks for bringing me to my fave place, Vernasa. "

  “Annie hindi Curtis, ten points. Mandi hindi Handy, zero. ”

   Sinamaan ko ng tingin si Rafa sa sinabi niya. Kailangan talaga ipamukha ang lamang?

  “Ayos lang, basta ako nakasama ko siya noong isang gabi.”

  Naintriga naman ito sa narinig. “Ay! Ano ginawa ninyo sis?”

   Napangiti ulit ako nang maalala ko ang nangyare. Matapos kong kantahin ang isinulat ko sa kanya ay nag usap muna kami bago niya napagpasyahang umuwi. Kontento na ako sa oras na inilaan niya sa akin, kahit konti lang ito. Wala man ako sa Instagram post niya, nagka-moment naman kami sa bahay ni lola. For me, that's a big points na.

  “Effort ng singerist natin. Mandi for the win! Mawiwin mo talaga si Miss Debs with konting fingering sa guitar, Mands.”

  Natawa ako sa sinabi ni Hugo at inaya na silang umalis. Nagtatawanan kami nang makarating sa office, natigil lang nang may narinig kaming nag-uusap kaya hindi kami agad pumasok.

  “You and I know that we both need time out of work. Let's go na.” Pamilyar ang boses at napatingin naman sa akin ang dalawa.

  “Kakatukin ko lang.”

  Bago ko mapigilan si Rafa ay nagbukas agad ang pintuan. Nanlaki ang mata ni Debby at umangat maman ang labi ni Annie nang makita kami sa labas. Napadpad ang mata ko sa magkahawak nilang kamay, at agad ko itong ibinalik sa dalawang nakatingin sa amin. Ouch.

  “Hey, guys. I was just about to go out. Annie is asking me to go for a coffee outside. I'll be back later ah.”

  Pinilit ko ang sarili kong ngumiti at tumango, sana hindi mukhang pilit sa paningin nila. Nagexcuse naman agad si Annie at hinila ng mahina si Debby na mukhang gulat pa rin sa pagkakita sa amin. O baka gulat siya sa naabutan namin.

  “Teh, ang plastic mo talaga,” rinig kong sabi ni Rafa nang makapasok kami sa loob. Umupo ako kaagad at kinuha ang mga gamit ko sa bag.

  “Huh? Bakit? Wala kaya akong ginawa.”

  “Pero yung ngiti mo meron. Mands, real talk, parang ang panget naman ng ugali nung Annie. Imagine, kahit isang hi sa mga nakasalubong wala? Hindi naman sa required mag hi sa stranger, pero diba magkakilala na kayo?” wika ng kaibigan ko.

  Tumango ako, wala naman sa akin kung hindi niya ako pinansin. Mas napafocus talaga ako sa pahawak kamay nila. Aaminin ko na medyo nakakainggit.

  “Huwag na nga natin sila pag-usapan. Tapusin na natin ito at nang maaga tayo makauwi.”

  “Akala ko ba magpapagabi para may panahon ka pa masilayan si my labs mo?” tanong ng isa.

Strange Compatibility Where stories live. Discover now