Chapter Thirty-seven

1.1K 56 20
                                    

Mandi

Palakad-lakad ako sa labas ng hall habang hinihintay na mag text si Debby sa akin. Gusto ko na kasi itong makausap, para na rin magkaayos na kami. Hindi kasi namin natapos ang pag-uusap namin kanina dahil biglang nang-istorbo si Annie.

  Kahit na hindi ako mapakali sa kakaisip kung ano na ang nangyayare sa kanila, malakas pa rin ang tiwala ko na ako ang gusto ni Debby. Kaya ito ako ngayon, hindi man mapakali ay maghihintay ako sa text ni Debby.

  Napatalon ako sa gulat nang biglang lumitaw sa harap ko ang taong nasali pa sa gulo, “Kanina pa kita hinahanap! Bakit ka ba kinaladkad ni Debby kanina? Tsaka, bakit sobrang galit siya?” takang tanong ni Cy nang makalapit ito sa akin.

  Napapikit ako at huminga ng malalim bago siya tinignan. “Kasi nagseselos daw siya sa atin. Sorry sa inasal niya kanina, Cy. Kahit ako mismo ay nagulat. Palamigin muna natin ang ulo niya bago natin i-explain na magkaibigan lang tayo.”

  Napakurap ang kaibigan ko sa akin. “Sandali, akala ko ba binasted ka na niya? Bakit naman siya magseselos sa atin?” hindi makapaniwalang tanong nito.

  Nahihiya akong nagkamot-batok. Oo nga pala, wala pa akong sinabihan. “Kasi nagkaayos na kami at umamin na siya sa akin na gusto niya rin ako noong nagpunta kami sa beach kasama sina Lyrie. Alam ko, magulo kung sabihin, pero ganun talaga ang nangyare.”

  “Anong nangyare?” biglang sulpot ni Lyrie sa likuran namin na ikinatalon ni Cy.

  “Huwag ka nga manggulat! Ang liit liit mo, napapagkamalan kang duwede, Ly.”

   Medyo natawa ako sa asar na mukha ni Lyrie pero agad naman itong nawala nang maalala kong kanina pa sila Debby sa kwarto. Bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya ako pinupuntahan? Ayaw ko mang mag assume, pero baka may nangyareng masama sa kanya. Puntahan ko na kaya siya? Pero masama pa ang mood niya, baka magalit pa ito kapag hindi ko sinunod ang gusto niya.

  “Kanina ko pa kayo napapansin dito eh, ano ba ang nangyare?” nag-aalala nitong tanong.

  Si Cy na ang sumagot sa kanya, “Si Debby kasi nagselos at galit na kinuha itong si Dy sa akin kanina. Tapos ngayon hindi ko na mahagilap. Asan ba si Debby, Dy?”

  “Sandali, natawa ako. Debby, Dy? Parang tape lang, ha. Yung sinasasabi sa palabas ni Kris Aquino noon na Debby, Dy, Debby, Dy.”

   Taka kaming nakatingin sa tumatawang Lyrie. Kahit sa seryosong usapan sumisingit talaga ng kabaliwan. Siya lang din naman ang nakakagets sa joke niya.

  “Ganito kasi ang nangyare. Matapos niya akong hilain ay pumunta kami sa kwarto niya at nag-usap, tapos umamin siyang nagseselos nga siya, tapos bigla namang nagpakita si Annie...”

  “Annie? Yung karibal mo?”

  Tumango ako kay Lyrie. “Tapos medyo nagkasagutan kami—mind you, hindi ko talaga sinasadya na sumabat, kaya pinalabas ako ni Debby para kausapin si Annie.”


  “Bakit ikaw yung pinalabas? Hindi ba dapat ikaw ang sinasanasamahan niya ngayon?” takang tanong ni Cy.

  Sumang-ayon naman si Lyrie sa sinabi ng isa. “Oo nga naman. Bakit niya kakausapin si Annie kung binasted niya na ito?”

  Ayaw ko namang pag-isipan nila ito ng masama kaya agad akong sumagot, “Kasi ayaw niya maniwala na binasted na siya. Nagmatigas pa siya na ako raw ang hindi pinili at ipinagpilitan pa ito. So ayun, sinabihan ako ni D na kakausapin niya raw muna si Annie tapos tatawagin niya ako after.”

Strange Compatibility Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon