Chapter Seventeen

1.1K 71 5
                                    

Mandi

Umamin na ako!

  Naglakas loob na ako!

  Alam na ni Debby, at hindi na ako makakatakbo sa pinasok ko. Gusto ko sumigaw sa hallway habang naglalakad sa saya. Hindi ko inakala na papayagan niya ako. Alam kong nasurpresa siya pero ako rin naman, nasurpresa ako sa sagot niya. Binigyan niya ako ng chance, it means may pag asa ako. Kinikilig tuloy ako.

  “Kanina ka pa ngiti nang ngiti, Mands. Para kang nakajackpot,” rinig kong sabi ni Lyrie.

  Kasabay ko siya habang naglalakad papunta sa tambayan namin sa harap, kung saan naghihintay ang mga kaibigan namin. Ngumisi pa ako ng mas malapad. “Jackpot talaga. Ikaw ba naman payagan manligaw.”

  Bago ako makapigil ay agad niya akong hinarangan, na ikinagulat ko.

  “Sandali! Manligaw?”

  Muntik naman akong mapamura nang maalala ko na hindi ko pa pala nakwento sa kanya. Patay na.

  “Okay, wait. Hinga ka muna at mag-promise ka na hindi ka magagalit,” mahina kong sabi.

  Agad siyang tumango, halatang atat na sa kwento ko. “Promise.”

  Tumango ako at hinawakan ang ilalim na parte ng damit ko, naghahanda kung ano ang magiging reaction ni Lyrie . “Okay, so gusto ko si Debby-”


  Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko, masaya na niya akong pinutol. “Debby? OMG! Tama hinala ko? Oh my gosh! Panalo ako sa bet!”

  Nagtaka naman ako sa sinabi niya.“Bet? Anong bet?” tanong ko habang kumukunot ang noo sa taka.

  “Nag-usap kasi kami ni Tatiana, sabi ko sa kanya na may gusto ka kay Debby tapos sabi niya wala raw. Nag debate kami hanggang sa mauwi sa deal na kung tama ako, may price ako sa kanya at kung tama naman siya ay vice versa,” sagot nito.

  Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ginawa pa talagang deal ang lovelife ko? Grabeng magjowa ito.

  Ngumisi siya. “Sorry na, Mands. Love you. Patuloy ka na.”

  Umiling-iling muna ako bago nagpatuloy. “So umamin ako sa kanya at humingi ng permission para manligaw tapos sabi niya go lang daw.”

  Tumili ulit si Lyrie na ikinatakip ko ng tenga. Kung ganito na ang reaction niya, paano pa kaya ang iba?

* * *


  “AAAAAA!”
  “OMG!”
  “DALAGA NA SIYA!”
  “ANG ANAK KO!” Sabay-sabay nilang tili nang ikinwento ko ang nangyare. Hindi naman talaga ako makwento kaya alam kong nagulat sila sa pag-open ko.

  “Tapos na ba kayo sa sigawan? Pwede ako na?” putol ko sa tilian nila.

  Tumango ang lima habang nakangiti ng malapad sa akin.

  “Kaso sinabi ko naman sa kanya na kung hindi niya ako gusto o magugustuhan ay ayos lang. No pressure kasi ako naman ang nag-ask para manligaw,” sumpon ko.

Strange Compatibility Where stories live. Discover now