Chapter Seven

1.3K 73 4
                                    

Mandi

Mga ilang weeks na rin ang nakalipas simula nang magpunta kami ni Debby sa concert, mas lalo pa kaming naging malapit sa isa't-isa at madalas din kami magkausap sa chat, minsan ay nag vi-videocall pa. Nakakatuwa nga kasi natatagalan talaga kami sa pag-uusap patungkol sa random things. Minsan nag kekwento siya patungkol sa trabaho niya at sa mga ginagawa niya pagkatapos. Madalas kasi siyang lumalabas at nag ninight out. Hindi katulad ko na bahay, paaralan at gig lang ang pinupuntahan. Pero it's nice to have someone to talk to. Lalo pa at ang ganda niyang tignan kapag naka on cam.

   Nasa canteen ako  ngayon kasama ang mga kaibigan ko, nakikipagkulitan kay Debby sa chat habang ang mga kaibigan ko ay nagpupulong-pulong.

  “Gurl... Kaya pa?” rinig kong tanong ni Rafa kay Lyrie.

  Nabalitaan naming kinuha na si baby Lynrie sa kanila na ikinalungkot din namin. Mahal na mahal kaya namin ang batang 'yun. Ito ang batang nakita nila ni Lyrie na iniwan sa isang CR, na kinuha nila at inalagaan. Ngayon kasi nagbalik na ang ina nito at gusto na ngang kunin kina Lyrie ang bata.

  “Kakayanin,” matamlay na sagot ng kaibigan namin.

  “Cheer up na! Bibisitahin natin si Baby Ly sa susunod na araw. Makikita na ulit natin siya, alam kong miss ka na nun!” wika naman ni Hugo.

  “Pero si Baby Ly lang ba talaga ang dahilan niyan?” panunukso pa ni Kate.

  Napansin kasi namin na nitong mga nakaraang araw ay hindi na nagpaparamdam ang manliligaw niya dito. Sana lang walang nangyare sa dalawa.

  “Bakit? Ano pa ba dapat?”

  “Si Tatiana oh!” Nagkunwaring turo ni Aikah sa likuran namin at bigla namang napalingon si Lyrie.

  “Ay, hindi pala. Akala ko lang si Tatiana. Sorry ha.”

  Nagtaas kilay si Hugo kay Lyrie na nakaismid ngayon. “Ano ba kasi ang nangyare sa inyo at hindi na nagpapakita dito ang ate mong dyosa?” Hanggang ngayon taka pa rin kaming lahat kung ano talaga ang status nilang dalawa.

  “Actually, kasalanan ko. Sinabihan ko siyang tumigil na.” Mahina ang pagkasabi niya pero malakas pa sa speaker ang reaksyon ng mga kaibigan namin.

  “Kasalanan mo naman pala!” Si Kate.
  “OMG!” Si Aikah
  “What!?” Si Hugo
  “Ang ship ko!” Si Rafa.

  Tahimik lang akong nakatingin kay Lyrie, iniisip kung ano ba ang sasabihin ko. Ano nga ba ang dapat kong sabihin?

  “Alam ko, ang tanga ko sa sinabi kong iyon kasi halata namang gusto ko siya at kahit anong gawin ko ay gustong gusto ko pa rin siya. Hindi ko alam paano ko siya kakausapin, ayaw ko mag message sa kanya dahil nahihiya na rin ako.”

  At dahil wala akong alam na sasabihin, niyakap ko nalang siya.

  “Tanga ka naman palagi. Pero wag ka na mahiya i-message oy! Ikaw na mag explain una, ” wika ni Kate na nakatanggap naman nang hampas kay Aikah.

  “Huwag mong pansinin ang sinabi ni Kate, kulang lang sa halik ko 'yan. Alam mo, ex, minsan nagkakamali tayo at kailangan nating matuto. Sa sitwasyon ninyong dalawa, kailangan ninyong mag usap ng masinsinan at magpatawaran. You both need that.” Binigyan ni Lyrie ng ngiti si Aikah sa sinabi nito. At least itong jowa ni Kate ay may point.

  “Tapos na ang speech mo baby, ibigay mo na halik ko.” Ngumuso si Kate at hindi naman ito pinansin ni Aikah na ikinatawa namin.

  “Girl, pag usapan n'yo 'yan, ha?”

Strange Compatibility Where stories live. Discover now