Chapter Twenty-three

1K 62 6
                                    

Mandi

Hanggang ngayon ay hindi pa rin natanggal sa isipan ko ang paghawak ng palad namin ni Debby. Kahit sa paghuhugas ng pinggan ay nakangiti pa rin ako, na ipinagtataka na nila lola.

  Sunday na ngayon at kailangan naming magpunta sa birthday ng nag hire sa amin. Malaking katanungan pa rin sa akin kung sino ang anak ng nag hire at bakit kami talaga ang napili, lalo pa at malaki naman ang budget nila. Pero siguro nga blessing in disguise na ito dahil nagkabudget na ako sa ticket para sa date namin ni Debby.

  Nang sinundo ako ni Cy ay naka ayos na ito sa usual niyang leather pants na may kasamang jacket. Palagi nga itong napagtitinginan kasi sobrang attractive niya.

  “Ganda mo ngayon, Dy,” komento niya nang makalapit ako sa kinatatayuan niya.

  Nakasuot ako ng usual na ripped jeans at shirt kong may design na mukha ni Marceline. “Ngayon lang?” sabay ko sa kanya at kinuha ang ibinigay niyang helmet.


  “Nah, araw-araw ka namang maganda, pero ang ganda mo ngayon. 'Yung glowing.”

   Umiling lang ako at sumakay na sa likod niya. Medyo malayo ang address na ibinigay sa amin kaya inabot kami ng isang oras sa daan. Nang makababa ay agad akong napa-aray sa alay ng paa ko.

  “Ang bata bata mo pa ganyan na status ng paa mo.”

  “Tumahimik ka, Cy. Porket sanay ka na ah.”

  Tumawa naman siya sa sinabi ko.

  May lumapit kaagad sa aming lalake na nakasuot ng buttonnup shirt. “Hey, ladies. I'm Albert Tan, kayo ba ang inimbita kong band?”

  “Kami nga, sir. Ako nga po pala si Mandi, ang lead vocalist at ito naman si Quincy, drummer po. Yung bass at ibang kasamahan namin ay baka mamaya pa po kasi may inaasikaso pa.”

  Tumango ang lalake sa amin at inaya kaming pumasok. “My daughter has been bugging me nonstop about your band. She's really a fan of you guys. Today is her 18th birthday kasi and we want to surprise her with you. She's not yet here kasi may inaayos sila ng mom niya, all she knows is may party ngayon but no live band playing.”

  Kitang kita sa mata ni Mr. Tan kung gaano siya ka excited sa surprise niya kaya naman napatingin ako kay Cy at ngumiti. Nakakataba ng puso makita ang ganito kasupportive na ama. I bet ganito rin si Papa kapag andito siya.


  “Kami po bahala sa kantahan mamaya, makakaasa kayong magiging the best itong party para sa anak ninyo.”

   Binigyan niya kami ng isang malaking ngiti ulit bago nagpaalam para asikasuhin ang ibang bagay para mamaya.

  “Ang astig naman ni Mr. Tan, biruin mo, sobrang excited siya sa surpresa niya sa anak niya. Ako kahit kailan hindi ko nakita si Dad na nagkaganito sa amin, nakakainggit slight.”

  Ngumiti naman ako kay Cy habang inaayos niya ang mga gamit sa drums. “Sige, pag ikaw nag birthday ako na magiging excited para sa'yo. Kailan ba Birthday mo?”

  Agad itong tumingin sa akin na parang nabigla pa. “Akala ko ba ako ang pinaka paborito mo sa lahat tapos hindi mo pala alam ang birthday ko?”

Strange Compatibility Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon