Chapter Twenty-five

1.1K 79 20
                                    

Mandi

Sa sobrang excited ko ngayon ay muntik ko nang makalimutan na birthday ko pala. Kung hindi pa ako sinurpresa ng mga kapatid ko ay hindi ko pa nalaman na sabay pala ng first date namin ni Debby ang birthday ko.

  Nagpasya kaming pumunta sa puntod ni Mama at Papa para magpicnic noong umaga palang at pagkatapos ay agad akong nagbihis para dumeretso sa restaurant kung saan naghihintay ang mga kaibigan ko.

  “Happy Birthday!”
  “Happy Birthday, sis!”
  “Happy Birthday, ampon!”
  “Happy Birthday, babygirl!”
  “Happy Birthday, Mands!”

  Maingay nilang pagbati ang sumalubong sa akin nang makapasok ako sa restaurant. Napalaki ang ngiti ko dahil maypa cake pa sila.

  “Thank you! Ang effort n'yo naman!” Masaya kong tugon at umupo sa iniwan nilang bakanteng upuan.

  “Syempre, double celebration kasi nagdadalaga at tumanda ka na, ” sabat ni Rafa na may pa party hat pa.

  “Wow naman. Salamat ah.”

  Naramdaman ko naman ang pag patong ng kamay ni Lyrie sa balikat ko. “Happy Birthday, Mands. Alam kong hindi naging madali ang mga nakaraang taon para sa'yo pero proud kami na nakaya mo!”

  Sumingit naman si Kate, “Oo nga! Tinalo mo pa nga ako sa kasipagan mo. I'm sure proud sila ni Tita sa'yo.”

  Sumeryoso naman ang tingin ni Aikah sa akin. “Alam namin ang nangyare sa bahay ninyo, Mands. Sa susunod huwag mo itago ang mga ganung bagay sa amin ah? Kaibigan mo kami at handa kaming tumulong sa'yo, okay?”

  Mahina akong tumango. Naguguilty ako sa pagtago ko ng mga bagay na 'yun sa kanila. Hindi naman sa ikinahihiya ko ang sitwasyon ko, hindi ko lang talaga gusto na isama pa sila sa dinadala ko. “Sorry, guys. Alam ko naman na andiyan kayo. Sakto lang talaga na kasama ko noon si Debby kaya lumusot na sa isipan ko.”

  “Ases! Iba talaga pag nagmamahal. So chika mo kami sa plano mo mamaya, ” sabi ni Hugo habang kumakain kami.

  Natuwa naman ako sa paglipat ng usapan. “Bumili akong tickets sa isang fave band namin. Hindi niya ito alam dahil gusto kong surpresahin siya mamaya.” Nakangiti ako habang iniimagine ang posible niyang reaction.

  “Ang sweet mo naman pala. Kapag binasted ka ni Debby, kami na ni Rafa ang jowain mo ah.”

   Umiling ako at natawa sa sagot niya.

  “Pero ano na ba ang update sa inyo? Ikaw pa lamang diba?” Tanong ni Kate.

  Nagbigkit balikat ako. “Sa totoo lang? Hindi ko alam. Nabu-busy kasi siya at last na nakausap ko siya ay noong inaya ko pa siya eh. Mamaya, baka makalamang na ako. Alam ko kung gaano niya kahinahangaan ang bandang ito kaya alam kong masasayahan talaga siya.” Hindi na ako makapag hintay para sa mangyayare mamaya.

  Habang masaya na nag-uusap, bigla naman akong tinawag ni Lyrie. “Mands, friendly question, handa ka ba kung sakali hindi ikaw ang pipiliin?”

  Nabigla ako sa tanong niya, pati na rin ang iba. Pero oo nga naman. Handa ba ako?

  “Siguro? Nanligaw naman ako para malaman kung may pag asa ako, kaso kung hindi talaga para sa akin ang kanyang pagtingin. Bakit ko pa pipilitin?”

  “Pak! Napatula ng maaga ang ate n'yo,” panira ni Rafa sa seryosong  usapan namin.

  “Pero sure pa rin kami na ikaw ang mananalo, si Mandi pa!” giit ni Kate.

  “Basta ako gusto ko lang mag enjoy ngayon. Kain na nga tayo,” sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain. Matagal pa kaming nag-usap at nang mag six ay dumeretso na ako sa place na ni-chat ko kay Debby kahapon na paghihintayan ko sa kanya.

Strange Compatibility Where stories live. Discover now