Chapter Nineteen

1K 66 2
                                    

Mandi

“Okay, I need to be honest with you both.”

  Inayos ko ang upo ko at ibinaling ang atensyon kay Debby na mukhang ready na tumakbo sa malayo. Umubo ito ng mahina bago nagsalita, “Annie here is courting me-” pagsisimula niya, habang nakatingin sa akin, “-and Mandi here is courting me too. I really don't know what to do but you two should know na wala akong balak na iloko kayo both. However, to clear my name, I have five other manliligaw na nakapending and I don't know if they gave up na ba or not, but I am not obligated naman siguro to choose if my heart had not made any decisions, noh? Pero you two can stop naman if you feel like it's too much. I mean, I go for the best one in the end,” explain ni Debby.

  Tama naman, hindi naman ako nag-sign up as manliligaw para patigilin ang iba. May karapatan si Debby mamili at irerespeto ko kung ano man ang magiging desisiyon niya.

  “I totally get your point, Deb. I'm a hundred percent sure I'm not backing out, ” wika ni Annie at hinawakan pa ang kamay ni Debby.

  “A hudred and one percent sure naman akong magpapatuloy din,” sabat ko sabay ngiti sa kanya.

  “Can we also stop with the awkward stares? You two can at least be friends naman noh?”

   Tumango ako at ngumiti, habang tumingin naman sa kabila si Annie. Hindi ko rin siya masisisi kung ayaw niya. Hindi naman lahat gustong maging kasundo ang kanilang karibal o baka naninibago lang siya. Who knows.

  Makalipas ang ilang awkward na minuto, bahagyang tumayo si Annie. “Anyway, it's getting late na rin. We need some rest. I'll excuse myself first. I'll see you soon, Deb. Bye to you, Mandi.”

   Nang makaalis siya ay lumipat ang tingin ni Debby sa akin. Bigla na naman akong kinabahan, ngunit pinigilan ko ito at pinalitan ng ngiti.

  “Tama nga sila, marami nga talaga akong kakalabanin,” sabi ko nang maalala ang sinabi nila Hugo at Rafa sa akin.

  “Who?”

  “Sila lahat. Pero I'm determined to win you, kahit marami pa ang kalaban, D.” Matapang akong ngumiti at bigla namang nagwala ang tiyan ko nang ibinalik niya ito. Hay, Debby. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa'yo.

* * *

  “So sinasabi mo na 'yung Annie ay kalaban mo?”

  Tumango ako. Magkasama kami ngayon ni Lyrie sa labas, namimili ng mga ipinabili nila tita.

  “Feeling mo, lamang ba tayo?”

  Nagkibit-balikat ako sa tanong niya. Kung sa pisikal na basehan, dehadong-dehado ako. Makakapasa na nga as super model 'yun, habang ako kahit sa pagpasa ng sem ko parang hindi pa aabot. Tsaka halata rin na mayaman ito, siya ba naman ang nanlibre sa pagkain namin doon. Nalaman ko lang nang lumabas na kami ni Debby.

  Nanlumo ang mukha ni Lyrie sa sagot ko. “Oh, sige. Bahala na nga muna ang mga kalaban. So ano na ang plano?”

  “Liligawan ko siya, ipapakita ko sa kanya kung gaano siya ka-special.”

  Ngumuso ito sa akin. “Hoy! Hindi ko talaga inakala na magkakaganito ka.”

  Medyo natawa naman ako sa sinabi niya. “Anong magkakaganito ako? Wala namang nagyare sa akin.”

Strange Compatibility Where stories live. Discover now