Chapter Thirty-nine

1.1K 54 1
                                    

Mandi

Noong nakita ko si Debby na duguan, walang malay, halos hindi maipinta ang mukha sa sugat na natamo, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Iniisip ko, paano kung hindi ako nagmatigas na pumasok at binigyan sila ng oras ni Annie? Mangayare kaya 'yun? Paano kung hindi ko nalang sinuway ang gusto niya, hindi kaya magkakaganito ngayon?

  Naramdaman kong bumalik ako sa panahon na nag aagaw buhay si Papa at Mama, sobrang natakot ako na baka pati si Debby ay mawala rin. Naalala ko ang napag-usapan namin noon, na ayos lang mawala sa mundo basta nakasama mo ang taong mahal mo, binabawi ko na 'yun. Napagtanto ko na hindi ko pala kaya, at hindi ko kakayanin kung sakaling nangyare man iyon kay Debby.

  Sa awa ng Diyos, ayos na ngayon si Debby. Itinakbo agad siya sa hospital at noong naging stable ang lagay niya ay pinalipat siya pabalik dito. Nakilala ko ang parents niya na sobrang bait. Nakausap ko rin ang kuya niya na may alam na sa kung ano ang meron sa amin ni Debby noon. Nahiya pa ako, sabay na rin ang takot dahil baka alam nilang ako ang dahilan bakit nangyare iyon.

  Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noong nakita ko siyang gising na. Ang alam ko lang ay nakahinga na ako ng maluwag dahil hindi siya mawawala.

  Maayos naman kami sa isa't-isa. Pilit kong iniiwasan na pag-usapan ang nangyare dahil ayaw kong ma-stress siya sa pag-recall sa events na 'yun. Tatlong araw na siyang nakalabas at nakatira siya pagsamantala sa bahay ng parents niya. Tatlong araw ko na rin siyang hindi nabibisita, at sa tuwing nagtetext siya ay rinarason kong busy kami. Hindi pa ako handang kausapin siya, lalo pa at nagpapagaling pa siya habang ako naman ay patuloy pang iniintindi ang nangyayare.

  Umiiwas ako dahil ayaw kong manggulo na. Naging wake up call sa akin ang aksidente. Hindi ko na dapat ipagpilitan ang nararamdaman ko dahil mas maayos na maging magkaibigan nalang kami. Walang gulo, agawan, o unrequited love na mangyayare.

  Para bang may nagbabasa sa isipan ko, may narinig akong nagtanong, “Iniiwasan mo si Debby?”

  Nag angat ako ng tingin kay Lyrie na nakaupo sa tabi ko. “Busy lang ako, Ly. Alam mo naman marami tayong dapat istudy ngayon lasi second sem na.”

  Umiling siya at itinago ang cellphone niya. “Busy  sa study o sa kakatunganga? Ang effort mo talaga sa lahat ng bagay.”

Pilit kong binigyan ng ngiti si Lyrie. Naikwento niya sa akin na nakausap niya si Debby noong nasa ospital palang ito. Humingi raw silang dalawa ng patawad sa isa't-isa at naging close na ulit. Mabuti nalang. Ayaw ko rin naman na ako ang maging dahilan kung bakit hindi sila magkaayos.

  “Kawawa naman si Debby. Palagi kaya siyang nag-aabang na bumisita ka. Pero alam mo? Ayos lang naman if hindi ka pa ready makipag-usap sa kanya. Take your time lang ah?”

Pumikit ako at huminga ng malalim bago tumingin sa kanya. “Ly, ayaw ko na manggulo sa kanya. Gusto ko nalang na maging magkaibigan kami. Kaya ko ito ginagawa para makamove on ako. Natatakot ako baka kung nakita ko ulit siya, malulunok ko ang mga sinabi kong kakalimutan ko na siya.”

  Nagtaas ng kilay ang kaibigan ko. “Sino bang nagsabi sa'yo na pupunta ka roon as more than friend? Pwede ka kaya bumisita as a friend. Kahit ipabanner pa natin para halata talaga. My friend, gusto rin ni Debby na bisitahin mo siya dahil...”

  Inangat ko ang isang kilay ko. “Dahil?”

  “Dahil gusto ka niya na bumisita.”

Strange Compatibility Where stories live. Discover now