Chapter Thirteen

1.2K 69 3
                                    

Mandi

Tahimik akong naglalakad kasabay si Hugo at Rafa na busy kakatingin sa mga cellphone nila. Nasa labas kami ngayon at naghahanap ng libro para sa isang subject namin. Nang wala kaming makita ay napagdesisyunan nalang naming bumalik sa school upang kitain sina Lyrie at ang iba pa naming kaibigan.

  “Hindi ba napapanis 'yung laway sa sobrang tahimik mo?”

  Medyo gulat akong napatingin kay Rafa na nakatingin din sa akin. “Hindi naman ata?” nagtataka kong sagot.

  Biglang lumapit si Hugo at inamoy ang harapan ko na ikinatawa ko. “Infairness, ang bango oh.”

   Nang makalabas kami sa mall ay naghintay na kami ng jeep na pwedeng sakyan pabalik sa school. Bigla namang may tumigil na pamilyar na sasakyan sa harap namin na agad nagpa-tibok ng mabilis sa puso ko. Ilang araw na rin simula nang nakitira kami sa bahay niya at ilang araw ko na rin iniisip kung bakit ganito nalang kung mag react ang puso ko sa tuwing nakikita ko siya. May duda na ako eh.


  “Hey guys!”

  Ang echos man pakinggan, pero bigla talagang nag slow motion ang paligid nang lumabas siya. Nakalugay ang kanyang buhok ngayon at naka dress din siya na nagpatulala ng lalo sa akin. Para naman akong nahiya sa porma ko. Ang ganda niya kasi sobra.

  “Mandi!”

  Agad akong namula at napailing nang makabalik ako sa wisyo.

  “Tulalang-tulala lang sis?” mahinang bulong ni Hugo sa akin na ikinapula ko lalo.

  Hindi naman ata napansin ni Debby ang reaction ko dahil nakangisi lang ito habang nakatingin sa amin. “As I was asking, where are you guys going?”

   Bakit ba kasi ang ganda-ganda niya araw-araw? Napapatulala tuloy ako sa kanya ng wala sa oras.

  “Naghanap lang kami ng libro, ikaw ba?” si Rafa ang sumagot na ipinagpapasalamat ko dahil ngayon ay hindi ko pa rin mahanap kung asaan na ang boses ko.

  “Ohh, ganoon ba. I just got out of a meeting and I saw you three here. May pupuntahan ba kayo?”

  Si Hugo naman sumunod na sumagot,“Wala na, pabalik na rin kami sa school eh.”

   Mas lalong lumapad ang ngiti ni Debby. “Really? I can drive you guys there. Dadaanan ko lang din naman.”

  Lahat ng sistema sa loob ko ay nagwala at nagsasabing go na, pwera sa utak kong nagsabi na huwag dahil mababaliw lang ako lalo.

  Naglakas loob na akong magsakita. “Huwag na, baka busy ka. Mag je-jeep nalang kami.”

  Pinukol ako ni Hugo at Rafa ng tingin na nagsasabing bakit mo sinabi 'yun, pero hindi ko ito pinansin.

  “Nah, I have nothing to do na nga. So... let's go?”

  “Ayan, wala naman palang gagawin. Tara!” sagot ni Hugo.

  Nanlaki ang mata ko nang hilain ako ni Rafa papalapit sa sasakyan ni Debby. Sa harap pa rin ako nakaupo katulad noon habang nasa likod ang dalawa na tumatawa ngayon sa sinabi ni Debby.

Strange Compatibility Where stories live. Discover now