Chapter Three

1.8K 85 13
                                    

Mandi

Medyo nasupresa ako kanina nang makita ko siya sa restaurant. Hindi ko rin inasahan na ihahatid niya ako, nakakahiya  nga dahil may kalayuan pa naman ang bahay namin. Tapos ngayon, napag alaman kong medyo same rin pala kami ng music taste, kung saan ako nabigla ng sobra.

  “So… ano pang mga banda ang pinakikinggan mo?” taka kong tanong. Alam kong hindi tama ang mag assume, pero akala ko kasi talaga hindi siya mahilig sa mga ganito. Hindi halata sa kanya. Judgemental siguro ako sa part na inisip kong nakikinig lang ito usually sa sikat na songs.

  “Greenday, FM Static, Simple Plan, tas Neck Deep. Songs made by pop punk artists mostly, but I enjoy other music naman.”

   Medyo napalaki ang ngiti ko sa narinig ko. Wow naman! Same music taste pala talaga kami. “Whoa. Napakinggan mo na rin ba ang songs ng Mayday Parade?” Hindi ko mapigilang itangong. Sobrang favorite ko kasi ang bandang 'yun.

   Tumango siya at nag pout ng konti, na nagpatigil sa pag galaw ko. Ang cute niya tignan. Hindi ko tuloy mapigilan na titigan ang labi niya. Ang soft at wala akong makitang dryness. Hindi tulad ng sakin, halos magkasugat na sa tuyo. Mapula rin ito at halatang alahang-alaga. May kung anong imahe ng naghahalikan ang biglang dumaan sa isip ko kaya agad akong napa-kurap. What the heck, Mandi! Kung anong iniisip mo.

  “...I can't believe I'm crying. Well, they make good songs din kasi.”

   Muntik ko naman sapakin ang sarili ko dahil hindi ko namalayang napatulala na pala ako at hindi ko na narinig ang kwento niya.

  “Ohhh. Ganun ba.” Ganun ba, akala mo talaga may narinig.

  Tumango ito at natahimik kami ulit. Ilang minuto pa ay nagtanong siya, “So is this the place?”

   Inilipat ko ang tingin ko at tumango nang makita ko ang pamilyar na gate ng bahay namin.

  “Guess it's a bye bye muna. I had fun—I mean, not in a weird way. I had fun because I finally get to meet someone who is not weirded with my music taste, " sincere na sabi nito habang nakangiti sa akin.

  Tumango ako at sinuklian ang kanyang ngiti. “Kung sino man ang nagsabi na weird ang nagkakagusto sa mga bandang 'yun, sila ang weird. Anyway, thank you talaga sa paghatid, hindi ko alam paano kita sususklian, " nahihiya kong tugon.


  Natahimik ito ng ilang sandali bago ulit nagsalita. “Actually, uhm, not to sound like gusto ko suklian mo, pero I enjoyed hanging out with you kasi. I have tickets sa isang concert this upcoming Saturday, no one wants to go with me kasi so...”

  “So?” takang sumpon ko sa kanya.

  “Do you want to come with me? I'm sure you'll like it. Plus, it's a nice starters into getting to know each other as friends.”

  Medyo napaubo ako sa sinabi niyang friends, baka iniisip niyang nag aassume ako na date. Ano ba 'yan. Wala rin naman akong sinabing kakaiba, bahala siya jan.

  “Uhm. Sure ka ba? Parang hindi ko naman nasuklian, nadagdagan pa ata.” Sinabayan ko ito ng tawa.

  Umiling ito. “You don't need to sukli me. I am enjoying din naman. So... I'll pick you up this saturday?”

Strange Compatibility Where stories live. Discover now