Chapter Fifty-one

1.2K 60 13
                                    

Mandi

Dalawang araw na akong tulala at hindi alam ang gagawin. Dalawang araw na mula nang huli kong makita si Debby. Matapos kasi ang nangyare sa party ni Sasha, hindi na ako kinausap nito. Kahit gusto kong subukan na tawagan o puntahan siya, hindi ko naman magawa. Gusto ko rin kasi bigyan ng oras ang sarili kong makapag isip-isip.

  Noong gabing naabutan kami ni Debby, nag uusap kami ni Cy noon patungkol sa mga doubts ko. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko kasi nasaktan naman talaga ako. When I saw that one certain post kung saan may iba itong kasama, 'yung tipong ang lapit nila sa isa't isa, biglang nag flash sa utak ko ang mga nangyare noon. Nagseselos ako, natatakot, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Bigla akong kinabahan sa mga posibleng mangyare. I've fallen for Debby a lot of times, at alam kong nasaktan niya na rin ako ng ilang beses. Natatakot ako dahil sobrang tiwala at pagmamahal ang ipinapalabas ko, to the point na hindi ko alam ano ang mangyayare sa akin kapag sinaktan niya ulit ako. I was very understanding noon, but it hurt me a lot of times already. Natatakot ako na baka this time, masaktan ulit ako. And this time, mas mahihirapan na ako sa pag-heal.

  Ngunit hindi ko rin masisisi si Debby sa naging reaction niya dahil hindi ko naman alam kung ano ang nararamdaman niya. Wala kaming dapat sisihin dahil iba-iba naman kami ng nararamdaman. Pero sana lang hindi siya nag walk-out noon at pinaharurot ang sasakyan niya. Sobrang nabahala talaga ako sa nangyare na 'yun. Natakot ako na baka mapano na naman siya. Mabuti nalang sinundan ito ng mga kaibigan niya at ibinalita sa amin na safe raw itong nakauwi.

  Tahimik lang akong naglalakad habang nag-iisip ng posible kong gawin nang may biglang huminto na sasakyan sa harap ko. Pagkababa ng bintana ay nasalubong ko ang mata ni Annie na nakatutok sa akin. Lumingon muna ako sa likod at sa gilid ko dahil baka may iba siyang hinihintay bago ibinalik sa kanya ang aking tingin.

  Mukhang nahihiya ito ngayon habang nakangiti ng tipid sa akin. "H-hey, Mandi. Can we talk?"

  "Ako?" alanganin kong tanong.

   Tumango ito. "Oo, I need to talk to you lang kasi."
 
  "Uhh... Sige?"

   Agad naman itong napangisi. "Great! Come with me."

  Nahihiya akong pumasok sa sasakyan niya at inayos ang seat belt. Tahimik lang kami hanggang sa marating namin ang isang café sa unahan. Nauna siyang bumana at sumunod naman ako. Sabay kaming pumasok at nagpunta sa counter. Matapos naming ibigay ang order namin ay naupo na kami sa isang booth.

  Na-awkward man sa sitwasyon,  mas pinili ko nalang magsalita, "Uhh, ano 'yung gusto mong pag-usapan, Annie?"

  "I know na you're surprised by my sudden invitation. Pero I really need to talk to you."

  "Bakit?" bahagya na naman akong kinakabahan. Hindi kasi naging maganda ang last encounter namin ni Annie noon sa engagement party  ni Sasha.

  Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Okay, I'll start by apologizing. What I did in the past is not good and how I acted was embarrassing. I know from the start na maliit lang ang chance ko kay Debby, kaya sa'yo ako nainis, which is stupid. I talked to Debby na kahapon, and I apologized to her." At may pahabol pa ito pagkatapos niyang sumimsim sa kape niya. "She looked like shit, by the way."

  Napangiwi ako sa sinabi ni Annie patungkol kay Debby. Okay lang kaya siya?

   Nagsalita muli ito. "Mandi, I was a bitch to you before and I am really sorry."

Strange Compatibility Where stories live. Discover now