Chapter Forty-one

1.3K 56 1
                                    

Mandi

  “I'm sorry for everything, M. I'm really really am.”

  Nasasaktan ako na marinig ang ganito niyang boses. Noon pa 'to eh, simula nang magising siya. Boses na puno ng hindi ko maipaliwanag na emosyon, pero ang bigat pakinggan.

  Hindi ko na alam, D.

  Naisip ko ulit ang napag-usapan namin ni Cy. Alam kong kailangan ko itong sabihin sa kanya upang magkaroon na rin ako ng peace of mind. It's now the right time.  Tumikhim muna ako bago nagsalita, “Debby? Magiging honest ako sa'yo. Hindi ako bumisita nitong mga nakaraang araw dahil natatakot ako, sinisisi ko ang sarili ko sa nangyare sa'yo. Iniisip ko na paano kung may masamang nangyare talaga? Kakayanin ko kaya?”

  Naramdaman kong ipinatong niya ang kanyang kamay sa akin, at mahina itong hinaplos.

  Hindi ito nagsalita, kaya nagpatuloy ako, “After knowing na maayos na ang lagay mo, I realized na hindi ko rin pala dapat ikulong ang sarili ko sa guilt na nararamdaman ko. I love you, yes, pero siguro baka hindi talaga lahat ng love kailangan ibalik. Baka mas mabuti na maging magkaibigan nalang tayo kasi kapag friends, walang agawan, walang iyakan, sisihan, at walang unrequited love na nangyayare.” Ibinalik ko sa kanya ang tingin ko at nagulat ako nang may makita akong luha na tumutulo.

  “M, I can't believe you're blaming yourself for my stupidity. Please, don't," sagot nito. Mas mahigpit na ngayon ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “Hun, please don't ever blame yourself. It's all my fault.”

  Binigyan ko ito ng malungkot na ngiti. "Pero diba wala sana tayo ngayon dito kung hindi dahil sa akin? Edi sana masaya tayo ngayon sa bawat buhay natin at tsaka okay pa rin ang friendship natin."

  Umiling-iling ito. “No. I'd rather go through a thousands of accidents if it means na I'll be in this moment with you. Because M, I don't think na we can be friends ever.”

  Bahahya akong nagulat sa sagot niya. So masaya siya sa set up namin? At ayaw niya na ako maging kaibigan? Malungkot ako na tumango, baka nga hindi niya rin kaya. I respect that.

  Bago pa ako makasagot ay  nagsalita ulit ito, “I want us to be more than that.”

  Ang lungkot na nararamdaman ko ay biglang napalitan ng kaba. Taka akong naglipat ng tingin sakaniya. More than what?

  “M, I know na I did a lot of stupid things that caused you pain. I can't deny na I am really fucked up when it comes to relationships, but I'm falling for you and I can't take it if you continue to ignore me. I've missed you terribly and I promise you this, I'll make bawi sa'yo. Not an empty promise anymore because I'm here to prove myself to you.”

  Napalunok ako sa sinabi ni Debby. Totoo ba? Kahit na nagtatalon ang lahat ng organs ko, hindi ko pa rin mapigilan na magduda. Paano kung maging confused na naman siya? Masyado nang masakit ang nangyare sa amin.

  Napansin ata nito ang pag-aalanganin sa mukha ko kaya nagsalita ulit ito, “I won't force you to be with me agad-agad, but please give me a chance to show you how genuine I am. I will court you even if it takes me a hudred years to win your heart again.” Nakahawak na siya ngayon sa dalawang kamay ko at hindi ko naman mapigilang mapalunok sa kaba.

Strange Compatibility Where stories live. Discover now