Chapter Forty-five

169 5 1
                                    

Mandi

Naglalakad ako patungo sa pinagtatambayan ng barkada ko nang mapansin ko ang pagtunog ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bulsa at tsaka tinignan ang kakarating lang na text message mula sa number ni Kuya na nagdedeliver dito.

  Ano na naman kaya ang pakulo ni Debby?

  Agad ko itong pinuntahan malapit sa gate kung saan ito naghihintay. Nakangiti ngayon si kuya nang mag abot ng isang sobre. Pero hindi ito ang ordenaryong sobre na na kulay puti, mukha itong invitation letter.

  "Morning, ma'am! May bago na namang pinapahatid saiyo si Ma'am Debby."

  Binati ko rin ito bago nagtanong, "Ano daw po 'yan, kuya?"

  "Hindi po sinabi eh. Basta utos niya lang na ibigay ko raw sainyo ito ng personal tapos ayun lang."

  "Ahh, ganun ba." Tinanggap ko ang inabot nito. "Okay po, sige. Thank you! Ingat kayo sa pagbalik sa office!"

  Nag salute ito bago umalis, na ikinatawa ko.

  Ibinalik ko ang aking tingin sa hawak-hawak kong maliit na envelope at tsaka naglakad na papunta sa pwesto namin. Si Lyrie pa lang ang nakatambay at busy ito ngayon sa pagbabasa. Binati niya ako bago bumalik ulit sa pag-rereview. Hinayaan ko na rin siya dahil may gusto pa akong basahin.

  Dahan dahan kong binuksan ang envelope, na naglalaman pala ng papel. Kinuha ko ito at tinignan. Maganda ito, may scent din. 'Yung tipong papel na parang nagsusulat ng love letters. Dahil nga mula ito kay Debby, may hint na naman ako na magpapakilig ito. Kaya binuksan ko na at nagsimulang mag basa.

To my favorite concert buddy,

  I am writing to express my greatest desire of spending time with you.

  Just us two.

  I've been thinking a lot about how I can ask you out on a date since the last time I visited you. Now, I finally have a plan. This seems very out of the blue, but if you're not busy today will you go out on a date with me?

  I know I've been messing things up because I have no clue of what I'm supposed to do. It's my first time courting a person after all. So please, give me this chance to prove myself to you. I promise you won't regret it.

  If you want to come with me, see me outside your school's gate. I'll wait there by three pm.

Ps. You don't have to wear anything fancy. I'd rather have you in your comfiest jeans.

  Love
You.

Okay, that's not how letters end.
Let me write again.

Adoring you so much,
Debby.

  Pagkagapos kong basahin ang sulat nito ay hindi ko mapigilan na mapangiti, pero hindi ko pinahalata sa kasama ko. Baka kasi anong isipin. Kahit na nagtataka ako bakit alam niyang wala na akong klase after 3, hindi ko na ito masyadong pinag gugulan ng oras.

  Hmm, sasama ba ako o hindi?

  Napailing naman ako sa naisip. Alam ko naman na ang sagot simula pa nang mabasa ko ang sulat niya. Gusto ko siyang bigyan ng chance. If totoo ngang hindi ko ito pagsisisihan kagaya ng sinabi niya sa sulat niya, edi susubukan ko. Wala rin naman akong importanteng gagawin mamayang hapon after ng class.

Strange Compatibility Where stories live. Discover now