Forty Five

168 5 0
                                    

 

Patricia Marie Solon’s:

Naging busy ako nitong mga nakaraang araw. Mula sa paghahanda ng kasal, sa trabaho, at pasekretong pagbisita kay Anne. Tanong nga ng tanong si Joselito kung bakit lagi akong puyat tuwing umaga. Siyempre, pasado ala-una na kasi akong nakakauwi gabi-gabi. Gusto ko na nga sanang ipagtapat sa kanya kung saan ako nagpupupunta gabi-gabi kasi medyo naguguilty na ako kaso pinilit ako ni Logan na huwag itong ipagsabi sa iba. Baka kasi pagselosan siya ni Joselito, alam niyo naman ang mokong na ‘yon, hindi normal kung magselos. Isa pa, hindi kasi alam ng mga fans ni Anne ang nangyari sa kanya, oo, model siya noon sa America.

Hindi ko na muna inisip ang mga nangyari. Kinalimutan ko na muna ang pagbabalik ni Tatay. Tinanong nga ako ni Joselito na baka puwede dawng kausapin siya para tungkol sa kasal namin dahil, siyempre, Tatay ko naman siya. At siyempre, hindi ako sumagot. At ramdam ko namang naiintindihan niya ang pananahimik ko. Ansave naman ng pagiging caring ng future husband ko. Hindi siya umaalis kung hindi nasisigurong okay lang ako sa bahay o kung hindi na ba ako nadedepress sa pagbabalik ni Tatay.

Sa totoo lang, hindi mawala sa isipan ko ang pagbabalik ni Tatay.

At, oo, gustong-gusto ko siyang makausap… pero hindi ngayon. Hindi pa ako handa.

Napakabusy na rin ng schedule ko. Sa umaga’y inaatupag ko ang paghahanda sa kasal namin, sa gabi nama’y binibisita ko si Anne sa ospital sa ilalim ng utos ng mahal kong kaibigang si Logan. Si Jopet nama’y nakalabas na ng ospital makalipas ang ilang araw.

Siyempre, hindi pa rin maganda ang timpla sa pagitan namin ni Nanay. Pansin ko namang matamlay si Jopet, si Toni nama’y kahit hindi ipanapakita’y nahihirapan din sa sitwasyon. Sinabi niya sa ‘kin bumalik si Tatay sa bahay upang subukang kausapin silang dalawa ni Jopet pero umiiwas pa rin yung isa. Hindi ko naman siya masisisi. Kung ako nga nasaktan sa ginawa ni Tatay, si Jopet pa kaya?

Kumakain lang ako ng popcorn nang pumasok sa eksena si Joselito. Naupo siya sa tabi ko at inikot ang kanyang kamay sa aking braso na parang isang bata. Hala?

“Hoy, anong nangyari sa ‘yo?” Bahagya akong lumayo, “Nilalandi mo na naman ako.”

“Tsk, stay put. I want to sleep.” At dahil isa siyang walang hiya’y humiga siya sa aking hita. Wala naman akong nagawa dahil… dahil… gusto ko rin naman. Aish~ ano na bang nangyayari sa ‘kin? Ang landi-landi ko na.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing nagkakalapit kaming dalawa’y bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ba dapat nasasanay na ako ngayon? Si Joselito kasi ang tipo ng lalaking, hmm… clingy, tama, napaka-clingy niya sa oras na ma-attach na siya sa tao. Kahit na anong alter EGO pa ‘yan, didikit at didikit siya sa ‘yo, at wala ka nang magagawa kundi tanggapin siya sa buhay mo.

Nakakatawa kasi sa likod ng napakamakapangyarihan niyang pangalan at imahe, eh, napakasimple niya. Natutuwa siya sa mga simpleng yakap, haplos, at kahit sa simpleng hawak ay makikita mo talagang kumikislap ang mata niya. Para siyang tao na ignorante sa atensyon at pagmamahal.

Pabiro ko siyang tinampal sa dibdib, “Kung gusto mong matulog, dun ka sa kwarto, hindi unan ang hita ko ha.”

Hindi siya nakinig bagkus ay ngumiti siya habang nakapikit.

Napangiti na lang ako matapos bumuntong-hininga. Alam niyo kung ano ang isa sa pinakamagandang bagay na maaaring mangyari sa buhay mo?

Iyon ay kung makikita mong nakangiti ang taong mahalaga sa ‘yo at ikaw ang dahilan nito.

Totoo pala talaga ang mga sinasabi nila, ano? Minsan hindi talaga pera ang nagpapasaya sa tao.

Dumapo ang palad ko sa kanyang ulo at hinaplos ito. Marahan kong sinuklay ang aking mga daliri sa kanyang buhok habang tinititigan siya ng mabuti. Nakangiti pa nga siguro ako habang ginagawa ‘yon.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon