Eighty-Four

240 5 10
                                    

Thank you for supporting Taming Mister Bipolar until the end. Please keep posted for the epilogue. 


--

Patricia Marie's POV


"PM, tara."

Lumingon ako at ngumiti. "Susunod ako."

Bumuntong-hininga siya at lumapit sa 'kin. "Kanina ka pa diyan, hindi ka pa ba napapagod? Kabilin-bilinan ni Nay Viang na bawal kang mapagod."

"Ano ka ba, hindi ako pagod." Humagikhik ako, "Death anniversary niya ngayon. Hindi ba kami puwedeng mag-celebrate na kaming dalawa lang? Dapat ba talaga ume-echus ka pa?"

Umismid siya, "Baliw. You're creeping me out. Alam kong death anniversary niya ngayon kaso kanina ka pa diyan. Balak mo bang tumambay dito buong araw? Anim na oras pa ang babiyahiin natin pauwi."

Umirap ako, "Mauna na kayo." Nagtapon ako ng tingin sa sasakyang naghihintay sa may gate, "Mukhang naiinip na rin ang kasama mo, kanina pa naghihintay 'yang boyfriend mo eh."

Nilingon niya si Logan saka umirap. "Maiintindihan niya ako. At saka, hindi ako aalis hangga't hindi tayo magkasama, sinabi ko kay Nanay Viang na buong araw tayong magkasama ngayon."

"Okay fine," Sabi ko, "Tatapusin ko lang 'to at aalis na tayo."

"Ano ba kasi 'yang ginagawa mo?" Kunot-noong tanong niya sabay silip sa ginagawa ko. "Anak ng—may caretaker na gumagawa niyan, hija! Pinapagod mo talaga ang sarili mo eh!"

"Relax babae," Natatawa kong sabi, "Tinatanggal ko lang ang lumot, hindi naman ako nag-aararo ng kalabaw dito. Praning. Hindi ko naman ikamamatay 'to 'no, 'di ba naroon ka naman nung sinabi ng doktor na psychological effect lang 'tong pagiging baldado ko? Ibig sabihin, magiging okay din ako. At saka, hindi porke't hindi na ako nakakalakad eh mamaliitin mo na ako, kaya ko pang magtrabaho 'no."

"Kahit na, ako ang mapapagalitan sa 'yo eh." Marahas niyang kanimot ang ulo, "At wala akong pakealam kung psychological o kung anong uring effect pa 'yan, ang inaalala ko lang naman eh baka mahanap mapagod ka, mahirap na."

Hindi naman siguro. At saka pambawi ko na rin 'to sa napako kong pangako sa kanya. "Kaya ko na ang sarili ko. Patapos na rin ako dito kaya, tsupe! Puntahan mo muna ang boyfriend mong malandi ka at tatapusin ko 'to ng mabilis."

"Hay naku, bahala ka. Ewan ko sa 'yo." Padabog siyang tumalikod, "Kapag ikaw napagod, 'wag mo akong sisisihin. Binalaan na kita."

"Ewan ko rin sa 'yo." Ngumiti na lang ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ang oa-oa ni Brenda. Simula no'ng bumalik ako rito mula sa New York, lagi siyang nakabantay sa 'kin, tinalo pa si Nay.

Binalik ko ang atensyon sa ginagawa. Tinanggal ko ang huling lumot bago tumayo at nag-inat. "Hanggang ngayon nagi-guilty pa rin siya sa nangyari sa 'kin. Sinisisi niya pa rin ang sarili sa nangyari. Kaya, ayun, daig pa ang Nanay ko kung makabantay sa 'kin." Humagikhik ako at tinanggal ang huling lumot sa semento, "Ayan, malinis ka na ulit."

Tumuwid ako ng upo at tiningnan ang kabuuan ng gawa ko. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang pawis sa aking noo, "Medyo napagod nga ako."

Pero worth it naman eh.

Medyo matagal-tagal akong hindi nakabalik rito. Masyado kasi akong busy nitong nagdaang araw... idagdag mo pa ang linggo-linggong pagbisita ko sa doktor at sa psychiatrist ko. Ewan ko ba kay Nay, pilit pa rin akong pinapadalo sa mga therapy sessions kahit na hindi naman kailangan. Okay na ako, nagbalik na ang dating lakas ko... grabe naman, ang tagal na rin nun.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon