Twenty-nine

244 6 0
                                    

Patricia Marie Solon’s

“Commander, paano po ang mga bihag?” Tanong ko sa lalaking nakatalikod sa akin. Dala-dala ko ang armalite at may bandana ako sa ulo.

“Wala na silang pakinabang sa atin, patayin na sila.” Sabi niya. Hindi ko siya kilala, hindi kasi siya lumingon.

“Masusunod po.” Sumaludo ako at nagtungo sa mga bihag. Isa-isa ko silang tiningnan.

Tatlo silang bihag ko. Hindi ko rin alam kung paano ko naging bihag ang tatlong ito. Basta bihag ko na sila sa simula pa…

“Toni! Jopet!” Sigaw ko.

Mabilis na lumapit ang dalawang kapatid ko. Katulad ko may dala din silang baril at may dambana rin sila sa ulo.

“Tawagin ang mga kasamahan natin. Kikitilin na ang mga bihag.” Sabi ko sabay mwestra ng hintuturo ko upang ituro ang ibang mga kasama.

“Masusunod!” Sumaludo sila.

Dahan-dahang tumingala sa akin ang unang bihag, “Parang awa mo na Pm, huwag mo akong patayin.”

Nagulat ako nang makita kong si Kuya Butch pala ang nakagapos.

“Kuya!” Lumuhod ako upang tanggalan siya ng tali.

“Pm!” May tumawag sa akin, isa sa mga bihag, “I thought we’re friends?”

Logan?

Paano siya naging bihag? So ibig sabihin ang pangatlong bihag ay si…

Tumayo ako at lumuhod sa harap ng ikatlong bihag. Sinabunutan ko siya at dahan-dahang hinila ang kanyang ulo upang iharap sa akin.

Bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Joselito.

“I like you.”Bulong niya.

“Ahh!” Sigaw ko. Nabuwal ako at umatras sa kanya.

“I like you.” Pag-uulit niya sa sinabi.

Umiling ako, “Hindi! Hindi mo ako gusto! Malandi ka lang!”

“I like you.”

“Ahh!” Sigaw ko sabay takip ng magkabilang tainga. Pumikit ako ng mariin upang hindi makita ang mukha ni Ej.

Wala akong naririnig!

Wala.

Biglang tumahimik ang paligid kaya dahan-dahan kong ibinuka ang aking mata.

“I like you!”

Siniil ako ni Joselito ng halik.

“I’ll discharge her today but make sure na iiiwas niya ang sarili sa matin—“

“Putangina, malandi ka lang!” Napabalikwas ako ng bangon.

 “—ding pagod.” Pagtatapos ng doktor sa sinabi niya habang tinitingnan ako ng masama.

Ha? Nasaan ako? Bakit may doktor dito?

Tumingin ako sa paligid.

Si Nanay? Si Joselito? Si Kuya Butch?

Bakit narito silang tatlo?

Teka, nasa ospital ba ako?

Malamang Pm, kailan ka pa nakakita ng doktor sa Sari-Sari Store? Utak… utak.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon