Sixteen

249 7 0
                                    

 

            Matapos nung ambush interview namin ni Joselito kanina, umalis na ‘yung crew. Sumunod naman si Joselito at Bullet, dahil may fashion show daw kasi ang hipon at si bakla ang mag-aayos sa kanya.

            Speaking of Joselito, yung mokong na ‘yun! Kulang na lang ituhog ko siya sa lupa eh. Napakabarubal talaga ng lalaking ‘yon! Hindi pa nga ako nakakaget-over sa ginawa niyang pang-iinis sakin kagabi  sinundan niya naman agad ng bwisit na “the moves” niya. Kaasar! At hindi lang ‘yan ha, hindi pa nga ako nakakamove-on sa mga tanong nung host siya naman, eh, asar ng asar! Kung wala lang talagang camera sa harap namin, pinagsasampal ko na siya ng takong ng heels ko. Tsk! Ang sakit sakit sakit sakit niya talaga sa bangs ko!

            Ngayo’y tahimik na ulit sa bahay. Balik normal na kami ni Kathie. Well, normal naman talaga ang ingay ng batang ire; ang hindi normal, eh, kung bigla-bigla na lang tong tatahimik. Paniguradong sinapian na ang batang ‘to kapag nagkataon. Magagamit ko talaga ang baon kong holy water sa bag. Para kay EJ pa naman ‘yun.

            Medyo nasasanay na ako sa noise pollution na hatid ng batang ‘to. Kagaya ngayon, hindi na naman maisara ang bunganga at talak na naman ng talak. Minsan nga tumatalsik pa ang grasya sakin. Pwede naman sigurong tumalak nang hindi nagpapaulan ng laway, diba?

            Nakaupo kami ngayon sa sofa, dumaos-dus ako hanggang sa sahig na ako naupo. Yung feeling na pati kaluluwa ko nanghina sa ginawa ng hunghang na ‘yon. Hindi nga ako halos makatingin ng diretso sa kumag na ‘yon eh.

            “Grabe, Miss PM, nakakapagod yung ginawa ko kanina.” Sabi ni Kathie sabay higa sa sofa.

            Wow. Saan siya napagod? Nakaupo lang naman siya buong magdamag. Panay tili at paglulupasay lang ang ginawa niya sa mga banat ni Joselito.

            “Wala ka namang ginawa kanina a.” Sabi ko sabay tingin sa kanya.

            Namilog ang mga mata niya. Oa talaga masyado ang batang ‘to. Hindi pasado mag-artista, “Grabe ka naman Miss! Halos napaos na ako kakacheer sa inyo ni hindi mo man lang napansin? Eh, lumingon pa nga si Papa EJ sakin, eh.”

            Papa talaga Kathie? Tatay mo ang garapalang na ‘yon? Sabagay, bagay naman kayo… parehas kayong may topak sa ulo.

            “Mabuti nga’t pagtili lang ang ginawa mo. Ako nga eh naghalo na lahat: pagod, kaba, pagkairita, at ang pagpipigil ng—“

            “Kilig?” Pagputol niya sa sasabihin ko.

            “Che! Kilig ka diyan? Pagpipigil ng galit ang ibig kong sabihin. Pasintabi ka naman diyan, baka tamaan tayo ng kidlat.” Inirapan ko siya sabay hubad ng heels ko at itinabi ito.

            Eh, kinilig ka naman kasi talaga kanina. Denial ka pa. Oa mo!

            “Weh? Eh, mukhang hindi ka naman mukhang galit kanina Miss eh. Ang pula pa nga ng mukha mo hanggang ngayon oh *turo sa mukha ko*! Nag-iinarte na naman kayo Miss PM, masyado kayong pahard to get.” Sabi ni Kathie.

            Bwisit na bata. Asarin ba naman ako. Ihambalos ko sa kanya ‘tong heels ko eh.

            “Heh! Hindi nga ako kinilig!” Bulyaw ko na halos sumabog na ang vocal chords ko. Pucha naman kasi eh. Guilty ako masyado kasi totoong kinilig naman talaga ako kanina.

            Erase. Erase. Erase.

            “Yiih! Utot mo po! Galit, galit… Galitin mo pwet mo po! Ang Oa mo talaga Miss. Okay lang naman kung aaminin mo, eh. Ako lang naman ang makakaalam. Pashowbiz much ka talaga Miss.”

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon