Sixty-Seven

111 3 0
                                    


Patricia Marie Longworth's POV:

I cross my legs, "Ano bang gusto mo?"

Bumuntong-hininga siya, "Gusto ko lang makausap ka."

What kind of bullshit is this? Umirap ako, "Let's skip the drama, anong kailangan mo sa 'kin?"

He made an annoyed look. His jawline twitched at mukha siyang nag-iisip. "Drama lang ba talaga 'to para sa 'yo?"

"Oo," Pinasadahan ko ng kamay ang buhok at sumandal sa inuupuan. Tumingin ako sa kabuuan ng restaurant na pagmamay-ari niya. "Kaya kung puwede sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin para makauwi na 'ko. I'm a busy person."

"Busy patching up things with that EJ bastard?" Tinaasan niya ako ng kilay, "Is that it PM?"

Mapepektusan ko na talaga 'tong damuhong 'to eh. Ang hilig-hilig pumutak ng kung anu-ano. Bwisit. "Look, sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin, just tell me what you want and let me get out of here." Gustong-gusto ko na talagang makaalis dito, kaming dalawa lang ang narito sa restaurant kaya hindi maganda ang sitwasyon para sa 'kin.

He relaxed at nagpakawala ng hininga. He stared at me for like a couple of seconds before he managed to talk, "I did the commotion yesterday in order to get your attention. Hindi ko alam kung pa'no makukuha ang atensyon mo."

That pissed me off a bit, "Ngayon nakuha mo na ang atensyon ko masaya ka na?"

"Look I just wanted to talk-

"Eh 'di sana tumawag ka na lang." Sinamaan ko siya ng tingin, "Sana nag-text ka o nag-e-mail. Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng paraan naisipan mong gumawa ng issue?"

"I know you're not going to answer... you're not going to show up if I'm not going to force you."

Natahimik ako. Tama rin naman siya. Hinding-hindi nga ako papayag sa kagustuhan niya given under normal circumstances. But it's good that he knows what I feel about him. It's nice of him to know where to stand.

Bumuntong-hininga ako, "So ano bang gusto mo? Bakit mo 'ko dinala rito?" Hindi siya nakasagot agad kaya inunahan ko siya, "I'm guessing you want me to quit the project. You really don't want me working with the Javiers, do you?"

"Isang beses na nilang sinira ang buhay mo, hahayaan mo ba talagang gawin nila ulit 'yon?"

"Parang may nakakalimutan ka yata Butch," I smirked, "Marami ang sumira sa buhay ko no'n, at isa ka sa mga taong 'yon. Kaya 'wag kang umasta na parang wala kang ginawa noon, na kunwari ginagawa mo 'to para sa 'kin. No, you don't, you're doing this to save your ass because you know I'm not going to forgive you. And just so you know, I'm not threatened by the Javier's existence. They should be threatened by what's going to come their way if they think about trying to ruin me again." Dinampot ko ang clutch sa table at tumayo.

Pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at pinigilang makalad, "Ano bang kailangan kong gawin para mapatawad mo 'ko?"

Nilingon ko siya, "Wala."

"PM please," He made an agonized look, "Limang taon 'kong hinintay ang pagkakataong 'to-- ang makausap ka at mapatawad mo 'ko. Lahat gagawin ko bumalik lang 'yong dating tayo. Yung samahan natin, yung mga harutan natin, yung tinuturing mo pa akong parte ng pamilya mo."

I shove his hand away saka siya hinarap, "Pagod na ako. Pagod na akong magalit pero hindi ko alam kung pa'no kayo patatawarin-- kung pa'no kalimutan ang lahat. Wala akong maramdaman sa tuwing nakikita ko kayo, wala akong magawa sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari. I don't deserve being treated that way Butch, you of all people should know that because you know me, but of all people na dudurog sa buhay ko... ikaw ang nauna, you that I trusted. You, whom I once loved, destroyed everything I have. I lost my faith when the people I trusted turned their backs on me." Tinitigan ko siya ng matagal, "And you think I can still forgive you after what you've done to me? You made me incapable of emotions. I feel so lost. And I don't know how to bring everything back to the way it was. Tell me Butch, how can I possibly forgive you if even I couldn't figure out how?"

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon