Thirty-Nine

365 6 0
                                    

Patricia Marie Solon’s

Nagpapahangin ako rito sa hardin habang nag-uusap silang lahat sa loob. Kausap ni Nanay si Madame Bernadette, pinatawag si Joselito ni Lolo Guwapo pagkatapos ng hapunan, at si Toni’t Jopet nama’y kausap si Kathie.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga habang hinihimas-himas ang braso. Tumingala ako sa mga bituin, umaasang makakakuha ako ng sagot sa mga tanong na kanina pa tumatakbo sa aking utak.

Papayag ba akong maikasal kay Joselito?

Kakayanin ko bang makasal sa kanya?

Siya na ba talaga?

Bumuntong-hininga ulit ako at pinasadahan ng kamay ang buhok.

“Patricia?”

Mabilis akong lumingon sa boses sa likod ko at nagulat ako nang makita si Madame Amanda. Madali ko siyang nakilala kahit na magkamukha sila ni Madame Bernadette, mataray kasi ang mukha niya.

“Madame,” Untag ko sabay bahagyang napaatras, “narito po pala kayo. Hindi ko po kayo napansin, pasensya na po. Sige po, aalis na ako.”

Humakbang na ako pero bigla niyang hinawakan ang aking braso at ngumiti sa akin, “I wanted to talk to you.”

Tumuwid ako ng tayo, “Tungkol saan po?”

Itinaas niya ang isang kilay at mataray na tumingin sa ‘kin, “Are you a rental wife?”

Nagulat ako pero mabilis akong umayos upang hindi ipahalata ang reaksyon, “Hindi ko maintindihan ang ibig niyong sabihin.”

Nagsmirk siya at nagpakawala ng hininga, “Come on Patricia, maglolokohan pa ba tayo dito? Answer me, were you paid to act? Magkano ba ang ibinayad ng kapatid ko para mapapayag ka? Should I pay some other bitch to pose as Logan’s wife too para makuha ang mana niya?”

Kahit na gusto ko siyang sabunutan at kahit hiyang-hiya ako sa sarili’y pinilit kong lakasan ang aking loob.

Marahas kong hinawi ang aking braso at pinantayan tingin niya, “Mawalang galang na ho. Kung sa tingin niyo ganyang klase ng babae ako, pwes, nagkakamali kayo. Mahal ko ang pamangkin niyo—“

“Oh cut the crap Patricia,” Ngumiti siya ng nakakaloko at lumapit ng kaunti sa akin para bumulong, “Tell me honestly, masarap bang magpakasasa sa yaman ng pamilya ko?”

Muntik ko na siyang masampal, muntik ko nang ihampas ang palad sa kanyang pisngi pero alam ng Diyos kung ilang guhit ng pagtitimpi ang ginawa ko para lang pigilan ang sariling sampalin siya. Pasalamat siya’t nirerespeto ko ang pagkakaibigan namin ni Logan at ang relasyon ko sa pamilya niya kundi hindi ko siya sinanto.

Ngumiti siya, humakbang at nilampasan ako. Umikot ako para harapin ang likod niya, “I heard the issues about you, so I wanted to confirm it. Ayoko namang tuluyan mong masira ang reputasyon ng pamilya ko, which for your information, was already tainted by Eden Joe. Ang asa-asawahan mo is the reason why we don’t let filthy scavengers in our clan. Maswerte ka nga lang at hinayaan ka lang ni Papang mamuhay sa pera namin.”

Kinuyom ko ang kamao at matalim siyang tinitigan. Gusto kong sumiga, gusto ko siyang sabunutan… gustong-gusto ko siyang sabunutan pero hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan.

“Isipin niyo po kung anong gusto niyong isipin, hindi ko kayo pipilitin…” Matapang na sagot ko, “Dahil alam ko sa sarili kong totoo lahat ng ipinapakita ko sa inyo at hindi pera ang habol ko kay Ej.”

“At sinong niloko mo?” Binigyan niya ako ng pamatay na ngiti, “Tandaan mo ‘to Pm… sa oras na mapatunayan kong totoo ang mga haka-haka tungkol sa ‘yo, binabalaan kita, pagsisisihan mong pumasok ka sa mga buhay namin. Kung ako sa ‘yo, lumayo ka na lang habang maaga pa kung ayaw mong lumuhod ka sa harap ko.”

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now