Seventy-Two

163 4 0
                                    



Patricia Marie's POV

Naghintay kami ng tatlong araw para matapos ang kalahati ng pinapa-ayos namin sa lumang bahay. Siniguro kong wala itong masamang maidudulot sa kalusugan ni Lolo. Napagdesisyonan ko ring manatili na muna rito ng isang buwan para alagaan siya. Nilipat na namin siya sa dating bahay at may inihire akong private doctor para tingnan siya, pumupunta naman dito ang doktor isang beses kada linggo. Sa totoo lang, gusto ko sanang iluwas si Lolo sa Alinam para do'n na ipagamot kaso ayaw niya eh, kapag pinipilit naman namin ni Toni panay lang ang ungol at minsan tinatadyakan pa ang caregiver niya. Habang dumadaan ang mga araw mas lalong nahihirapan ang caregiver na alagaan siya hanggang sa dumating sa puntong nag-resign ito. Mabuti na lang at nagboluntaryo ang kapit-bahay naming si Manang Lupe na alagaan siya habang nasa site ako.

Pinaalam ko kay Nanay ang lagay ni Lolo. Of course, she was so worried that she almost immediately got a ticket pauwi ng Sanipilip. Mabuti na lang at nakumbinsi ko siyang maaalagaan ko ng maayos si Lolo. Besides I know sobrang busy din nila ni Tatay ngayon sa LA. Nagpunta silang dalawa doon dahil inaatupag nila ang pagbebenta ng bahay at iilang properties. Since hindi namin nagagamit ang bahay sa LA, ibebenta nila ito. They'll retain our properties in New York and Las Vegas dahil 'yon ang lagi naming ginagamit.

Sa kabilang banda. Limang araw pa lang ako rito sa Kahisan pero mukha na akong ilang buwan nang hindi nakakatulog ng maayos. Brenda even told me the other day that I looked like I'd die any minute. Minsan pinagsasabihan ako ni Toni'ng magpahinga muna. I'd like to take a break too but I can't. Lalo na't hindi pa nagiging maayos ang lagay ni Lolo Guado.

On the sixth day, I woke up to a peaceful morning. Tumingin ako sa orasan, alas sinco ng madaling araw. I tried going back to sleep dahil alas otso pa naman ako pupunta sa site mamaya kaso hindi na ako nakatulig ulit. So bumaba na lang ako sa kusina at nagtimpla ng kape. Habang hinihintay na kumulo ang tubig, binuksan ko ang bintana at gumiya rito habang nilalanghap ang napakalamig na hangin. The sun is barely shining from the horizon. I started stretching up with my eyes closed.

If only time could stop and stay like this? Payapa ang paligid, tumitilaok ang mga manok sa 'di kalayuan, at may iilang tao ang naglalakad para magsaka. Kahisan is really peaceful and I'm glad that I'm still able to witness it despite its condition right now.

Ah, I really love this place. I could live here forever. I sighed while looking at the now-orange sky, "Kung sana pwedeng takasan ang lahat." I combed my fingers through my hair and turned around. I checked if the water is boiling. When I found out it was not I turned to the table to get a mu-- "AY MALANDING PUSA KA!" Nasapo ko ang dibdib nang wala sa oras. "Punyeta, what are you doing here!? Bakit basta ka na lang pumapasok sa bahay ng may bahay?"

You know who it is? Leaning on the wooden wall, is EJ. Ngumiti siya at namulsa, "Technically, this is my property. I bought this remember?"

Bwisit. Oo nga pala. Nakalimutan kong siya ang may-ari nitong bahay at lupa. Sinamaan ko siya ng tingin sabay tinuro, "Wait until I buy this from you."

He smirked at lumapit sa kinatatayuan ako. Thinking that something stupid is going on in his brain, I took a step back. That's the last thing I want to happen when I'm with him, I don't want to be anywhere near this guy. But as I started backing away, he stopped in front of the stove and stared at the kettle for a couple of seconds before looking at me. "Are you making coffee?" His English accent really gets me sometimes.

Humalukipkip ako and casually rolled my eyes, "Hindi ba obvious? Can't you see the packets of coffee right in front of you?"

Hindi niya pinansin ang banat ko. He kept looking at me, and then he smiled widely, showing his perfect set of teeth. "Can you make one for me?"

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now