Twenty Seven

231 8 0
                                    

Patricia Marie Solon’s

“How was the food?” May biglang nagtanong sakin kaya nilingon ko siya.

“Ah Logan.” Ngumiti ako at tuluyan siyang hinarap.

Mag-isa akong nagmamasid sa buong pamilya ni Joselito. Umalis kasi siya saglit at hinihintay ko siyang bumalik… pero kanina pa ‘yun eh, saan na naman kaya nagsususuot ‘yun?

Tapos na kaming kumain, at sa totoo lang, iyon na yata ang pinakamahaba at pinakawalang-kwentang dinner na na-experience ko.

Sino ba naman ang gaganahang kumain habang nagpapalitan ng mga maaanghang na salita at mga pasaring ang mga kasama mo?

Ngumiti ako sabay haplos ng braso ko. Nilalamig kasi ako dahil nakasleeveless lang ako at manipis lang itong dress na suot ko, “Okay lang naman. Medyo nailang lang ako ng kaunti.” Iminuwestra ko ang aking hinlalaki at hintuturo at ipinakita ang maliit na pagitan sa gitna nito.

“I’m sorry about my family.” Ngumiti siya sabay tingin sa mga tao sa harap namin. Nakikipag-usap lang sa isa’t-isa ang mga bisita habang may dalang champange glass at nakikipagtawanan pa ang ilan. Halatang mga mayayaman kung mag-usap.

“Okay lang. Hindi lang kasi talaga ako sanay sa mga ganito. Alam mo na, lumaki ako sa hirap.” Sabi ko.

“It must have been really hard for you to adjust.” Tumingin siya sakin.

Tumango ako. Totoo naman talaga, mahirap mag-adjust lalo na kung hindi mo gusto ‘yung sitwasyon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa harap nila.

Natahimik kaming dalawa habang pinapanood ang pamilya niyang nag-uusap sa di-kalayuan.

“You know, sometimes, it occurs to me to just run away from them.” Biglang sabi niya.

Lumingon ako sa kanya, “Bakit mo naman nasabi ‘yan?”

“Growing up in an influential family is really hard. People say we’re lucky but I don’t see any good luck in growing up spoonfed with responsibilities.” Namulsa si Logan, “For once, I just wanted to live a normal life. Be a kid, go to school, have a career, marry someone I’ll love… but I guess, that’ll never happen to me… to us.”

“Pinagdadaanan niyo rin pala ‘yan no? Akala ko kasi hindi niyo na ‘yan pinagdadaanan. Nakukuha niyo na lahat, eh.” Sabi ko sabay hagod ulit ng braso ko.

“Yes, I get to have the material things I wanted… but I never had the chance to have the things I needed. Nakalatag na sa harap ko ang buhay na tatahakin ko Pm, the clan decided and layed everything for us.”

Hindi ako nakasagot… dahil wala naman akong naintindihan. Ayoko namang magsalita dahil baka mapahiya na naman ako sa harap niya. Hmm… eh, kung magpanggap na lang kaya akong naiintindihan ko lahat ng mga sinasabi niya? Hindi naman sa bobo ako… medyo loading lang talaga ang utak ko.

Napagdesisyunan kong umayon na lang sa usapan.

Tinapik ko siya sa balikat, “Alam mo Logan, okay lang ‘yan. Masyado kasing perfect ‘yang buhay mo kaya napag-isipan ng Diyos na pahirapan ka kahit konti, alam mo na para naman makaexperience kayo ng konting hirap sa buhay.”

Sinamaan niya ako ng tingin, “Konting hirap pa ba ang mawalan ng ama, pag-aralin sa malayo, tratuhin na parang robot ng angkan, at ngayon ito… nanganganib ang buhay ng best friend ko?”

Tila nawala lahat ng dugo ko sa mukha. Anak ng… bakit ko ba sinabi ‘yun? At naturingan pa akong kaibigan ng lalaking ‘to? Holo naman, ayan naman kasi ‘yang utak mo Pm, eh. Tingnan mo tuloy.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now