Twenty-one

304 8 0
                                    

 

“What are you looking at?” Nagngingitngit pa rin sa galit ang katabi kong bakulaw.

Kanina ko pa siya tinititigan. Sinusuri ko siya kung paano niya naging pinsan si Logan. Aba, matinding rebelasyon ‘yun ha. Pwede palang maging magpinsan ang anghel at demonyo? Ibang klase talaga ang angkan nitong si Joselito.

Inirapan ko siya, “Paano mo ba naging pinsan si Logan?”

Mas lalong sumama ang tingin niya, “Don’t ask me pathetic questions.”

Kumunot ang kilay ko at marahan ko siyang siniko sa tagiliran, “Sagutin mo kaya ‘yung tanong ko! Ang arte mo, parang nagtatanong lang ako.”

Hinarap niya ako, “Her mom and my mom are sisters. Now happy?”

Nanlaki ang mga mata ko, “Humigad! Talaga?”

“Oa Patring. Super oa. Hindi na nakakatuwa.” Inirapan niya ako sabay cross legs.

Aba. Ako oa? Kailan pa ako naging oa?

Palagi.

Bwisit. Ayan na naman ang ahas kong pag-iisip.

“Why do you know each other?” Tanong niya.

Tumingin ako sa harap, “Hindi tayo close para sabihin ko sayo kung bakit.”

Binagsak niya ang kamao sa lamesang nasa harap namin. Nagulat naman ang espiritu ko at agad napatingin sa kanya.

“Ano bang problema mo?” Bulyaw ko.

“You choose: answer me or walk around the hall without undergarments.” Seryoso ang tinging ibinibigay niya sakin. Nakakatakot ang pambabanta niya ha? Hindi na nakakatuwa.

Pero dahil sa nagtatapang-tangan ako’y binagsak ko na rin ang kamay ko sa mesa at hinarap siya ng lubusan. Nagcross-legs ako sa harap niya para dagdag effect sa pagtataray ko. Excuse me, hindi lang siya ang may mainit na ulo sa mundo.

“Alam mo, kung babantaan mo ako ng ganyan. Siguraduhin mong gagawin mo ha? Medyo nababanas na kasi ako diyan eh.” Tinaasan ko siya ng kilay. Ramdam ko ang tingin ng mga tao mula sa sound and light committee. Sila kasi’yung pinakamalapit sa dako namin dahil nasa tabi lang sila ng stage.

Ngumiti siya ng nakakaloko, “Really? So you want to challenge me?”

Umirap ako, “Please, wala akong time para sa mga ban—“

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang makarmdam ako ng “something” sa hita ko.

Hinila niya palapit ang upuan niya hanggang sa hindi na umabot sa 20 centimeters ang agwat namin.

Tumingin ako sa baba.

Lunok.

Inilapit niya ang bibig sa tainga ko habang dahan-dahan gumagapang ang palad niya sa loob ng slit ng gown ko.

“One.” Bulong niya.

Napapitlag ako nang humigpit ang hawak niya sa hita ko. Napalunok ako ng ilang beses sabay tingin sa magkabilang dako upang tingnan kung may nakakakita ba sa amin. Bwisit!

“Jo--“ Sisigaw sana ako pero natigilan rin dahil sa pag-gapang ulit ng kamay niya pataas ng hita ko.

“Two.”

Bumilis ang paghinga ko ng marinig kong suminghap siya sa tainga ko.

Shit! Ang mga balahibo ko lumilipad na!

“Hindi mo pa ako kilala Patring… at hindi mo magugustuhan ang totoong kulay ko. So don’t f*cking mess with me.” Lumayo siya at humalumbaba. Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon