Forty Six

178 3 0
                                    

“Hey Patring, I have a riddle for you.”

Lumingon ako kay Ej mula sa pagpupunas ng glass wall, “Ano?”

“Buto’t balat—“ Halatang pilit ang pagtatagalog niya, ansaveh naman kasi ng English accent niyang nag-uumapaw sa kasosyalan.

“Saranggola,” Diretso kong sagot, “Tss, ‘yan ba ang bugtong mo? Chaka, ang dali naman niyan.”

“But Kathie said that was a hard one.” Napakamot siya sa ulo dahil sa pagtataka, “Were you sneeking on us?”

Umismid ako, “Mukha mo, bakit naman ako makikinig sa pag-uusap niyo? At saka, ano ka ba, pang-elementary ‘yang bugtong mo. ‘Yan ang pinakaunang bugtong na maririnig mo kahit saan.”

“Damn, naisahan ako nung batang ‘yon.” Napapilantik siya ng daliri, “I was even excited to ask you that.”

Weeh, ‘di nga? Talagang na-excite siya sa bugtong na ‘yon? Ganyan ba siya kaignorante pagdating sa mga ganyan? Bata ba ‘tong isang ‘to?

“Palibhasa kasi lumaki ka sa Scotland. Wala ka tuloyng natutunan sa mga bugtong dito sa Sanip,” Hinarap ko siya at namaiwang, “Ito, tatanungin kita… simple lang ‘to kaya sa palagay ko masasagot mo ito agad.”

“What is it?” Tila nangislap ang mga mata niya sa narinig. “Nagbagong-anyo” na naman siguro itong lalaking ‘to. May bago pa ba?

“Dalawang batong itim, malayo ang nararating.”

“Hmm,” Napahawak siya sa kanyang baba, “Give me some time, I’ll think about that. What’s my reward if I get it right?”

Nabigla ako, kailangan pa ba talagang magbrainstorming siya sa bugtong na ‘yon? Eh ang dali lang nun, eh. Kung sa bagay, wala naman siyang alam tungkol sa mga bugtong dito sa Sanip kaya hahayaan ko na lang siya.

“Bakit may reward pa? Sagutin mo na lang.” Humalukipkip ako.

Umiling naman siya, “No can do, I can’t work without a motivation.”

Inismiran ko siya, “Puwet mong hunghang ka. Motivation ka diyan, sagutin mo na lang… at bawal ang magtanong o magresearch sa internet, ha!”

“Fine, fine,” Nag-inat pa siya tapos tumalikod, “If I can answer that in a day, you’ll have to do something for me.”

Dahil sigurado naman akong panalo na ako sa pustahang ‘to, eh, tumango ako. “Oo na, ang kulit mo. Pag-isipan mo muna ang sagot at huwag mo na muna akong buwisitin dahil may bintana pa akong nililinis.”

Ngumisi lang siya bago nagtungo sa taas. Ewan ko talaga sa lalaking ‘yon. Kung anu-ano na lang ang iniisip. Talagang seryoso siya sa paghahanap ng sagot, ha? Abnormal talaga itong mapapangasawa ko.

Pero habang tumatagal ay napapangiti na rin ako. Ang sarap sa pakiramdam ang makitang nakangiti at masaya ang taong espesyal sa ‘yo at ikaw pa ang dahilan nito.

Hay. Sana hindi na ito matapos.

***

Josephus Solon’s: (Jopet)

“Kuya”

Lumingon ako sa likuran at nakita si Toni. Kararating niya lang yata mula sa eskuwela.

“Oh Toni, andyan ka na pala.” Sabi ko sabay matamlay na ngumiti.

“Puwede ba kitang makausap?”

“Tungkol ba ‘to kay Tatay?” Diretsong tanong ko.

Marahan siyang tumango at naupo sa kabilang dako ng lantay, “Nakausap ko siya no’ng isang araw.”

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now