Seventy-Seven

117 6 1
                                    

Hello Miss Irish,

Thank you for the inspiring message!

-Sin Tinta

 ***

Patricia Marie's POV


Tuliro akong tumingin kay Aling Lupe habang sinasabi sa 'kin ang nangyari. Umiiyak siya pero wala akong marinig, wala akong narinig na kahit ano. Naging blanko ako, nagmukha akong tanga at ilang sandali lang ang lumipas tumatakbo na ako patungo sa bahay. Tumutulo ang mga luha sa aking pisngi, ni hindi ko na matumbok ang daanan... basta na lamang akong kumaripas ng takbo.

Bukas ang pinto ng kuwarto ni Lolo pagkapasok ko. Takot man naglakas-loob pa rin akong lumapit, umaasang baka magbago pa ang lahat pagkarating ko sa loob. Umiiyak si Aling Lupe sa aking likod habang nagwawala naman ang puso ko sa lakas ng tibok nito.

Hindi 'to totoo. Pabalik-balik kong sinabi sa sarili. Masamang panaginip lang 'to. Hindi 'to totoo. Sinapo ko ang dibdib at pinisil ito, pilit na kinakalma ang aking sarili... pero kahit anong gawin ko ayaw nito.

"Lo..." mahina kong daing, umaasang sasagot siya. Wala akong narinig. Napakatahimik ng paligid, tanging hagulhol lang ni Aling Lupe ang naririnig ko.

Dahan-dahan akong pumasok ngunit agad ding nahinto sa nakita- - nakahiga siya at payapang-payapa. I covered my mouth. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala... na kung sakaling hihiyaw ako, baka magising ako sa bangungot na 'to at gigising din siya.

Pero hikbi lang ang lumabas sa aking bibig. At ilang saglit lang, bumuhos na ang matinding emosyong bumabalot sa 'kin. Bumilis ang aking paghinga na pakiramdam ko mahihimatay ako. Lumapit ako sa higaan at tinitigan siya ng matagal, "Lolo... 'wag, nagmamakaawa ako sa 'yo, 'wag muna. Huwag muna ngayon..."

Pero hindi siya dumilat.

Umungol ako. Dali-dali akong umupo sa gilid niya at hinawakan ang kanyang kamay. "Lo naman eh... 'wag mo kaming iwan!" Napapadyak ako sa sahig. Naiirita ako kasi umaasa pa rin akong gigising siya... na hahaplusin niya ulit ang pisngi ko... na tatawagin niya ulit ako. "Gumising ka... Lo, gumising ka 'wag kang magbiro ng ganito! Piyestang-piyesta oh!" Napahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay.

"Patring..." EJ pulled my arm and embraced me. "That's enough... he's gone."

I paused. The sudden realization hits me like a bullet penetrating my heart. He's not going to wake up. He's not going to come back.

Wala na ang Lolo ko.

---
 

Malayo ang tanaw ko habang yakap-yakap ang sarili. Napakalamig ng gabi, umulan kanina... wari nagdadalamhati rin ang Kahisan sa nangyari.

"Ate gusto mo ng kape?" Tumabi sa 'kin si Jopet. "Kanina ka pa rito ah? Hindi ka ba nilalamig?"

Umiling ako, tumungo, at lumunok. "Ayoko munang pumasok."

"Ate kailangan mong pumasok, magpahinga ka muna..." Sabi niya, "Baka magkasakit ka."

Ito ang unang gabi ng lamay ni Lolo. Maagang natapos ang selebrasyon ng piyesta dahil sa nangyari. Marami ang nakiramay at halos lahat ng tao sa Kahisan ay narito. Karamihan ay malungkot, umiiyak naman ang mga kaibigan ni Lolo, at ang ilan ay narito upang maki-usyoso lang. Balak ko sanang gawing pribado ang lamay pero hiniling ng mga taong bigyan sila ng pagkakataon na makita at maihatid man lang sa huling hantungan si Lolo.

"Okay lang, papasok din ako mamaya." Sabi ko habang nakatingin sa malayo, "Sa ngayon ayoko pa muna."

Matagal siyang nakasagot. "Ate kung nasaan man si Lolo ngayon—

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now