Twelve

388 11 0
                                    

Alas syete ng umaga. Napangiti ako habang humuhikab. Hinigpitan ko ang pagkakayakap kay Chupisto at binigyan ito ng halik. Nag-inat inat ako at huminga ng malalim! Ang ganda naman ng umaga ko ngayon! Ang sarap talaga sa feeling kapag alam mong pauwi ka! Lalo na't galing ka impyerno.

"Good Morning Chupisto!"

Tumagilid ako sa kabilang dako para mafeel ko ang lambot ng bed sa ibang side na yon. Naman~ Magfifeeling mayaman ako ngayon! Niyapos ko ang unan sa gilid at minulat ang aking mata.

Naglaho agad ang ngiti ko nang makita ang nakangising mukha ni EJ.

Ayun na sana eh! Yung feeling na ang perfect na!? Tapos bigla-bigla mo na lang makikita ang pagmumukha ng garapalang na 'to, sabay pagkasira ng buong umaga mo!? Abot-kamay na sana eh!

"Morning friend..." Tinaas-taas niya pa ang dalawang kilay.

"Aaaahhh! Napaatras ako sa kama. Sa sobrang atras ko naubos ko yata lahat ng space kaya nahulog ako.

"Oh kalma lang..." Humalumbaba si Joselito at sinilip ako mula sa ibabaw ng kama.

Mabilis kong tinakpan ang aking  katawan gamit ang kumot. Mahirap na baka masilipan ako ng lalaking to! "A...Anong ginagawa mo diyan?" Tinuro ko siya.

"Natulog."

"Diyan ka natulog!? Diba sabi ko sayong sa sahig ka matulog!?"

Umupo siya sa paanan ng bed at tumingin sakin.

Tumayo ako at sinapak siya ng unan.

"Bakit ba ang hilig mong manapak!?" Tanong niya habang hawak-hawak ang ulong dinapuan ng unan.

"Kasalanan mo! Bakit ka nandideadma dyan!?" Umupo ako sa paanan ng kama.

"Bakit ka ba galit dyan!? You know, It's a privilege! Lahat ng babae dyan nagkakandarapa na makatabi ako sa pagtulog. Even a touch from me naghihiyawan na sila... Halos mamatay na sa kilig! Halos lumuhod na sila sa harapan ko!" Nagpakawala siya ng malalim na hininga at sinuklay ang buhok gamit ang kamay.

Nahiya naman ako sa gwapong lalaking 'to? Bulgaran lang? Hindi na nahiya! Bakit gwapo ba siya? Wala akong nakikitang kagwapuhan saan mang dako ng mukha niya. Pweh. Medyo hard.

"...and then you came (turo sakin)! Kung ibang babae lang maiinggit sayo! Nahahawakan mo ako kahit kailan mo gusto, nahalikan kita, nakatabi sa pagtulog at higit sa lahat asawa mo pa ako!"

Hambog!

Hinagis ko ang unan sa pagmumukha niya. Bwiset na lalaking to talaga! Kung may contest lang talaga ng payabangan, siguro siya na ang panalo! Staight! Walang makakatalo sa mokong nato!

"Alam mo, kung hindi ka lang talaga mayabang, ungentleman, malandi, pilosopo, minsan suplado, minsan emo, saka bipolar!? Siguro magkakacrush pa ako sayo, pero kahit kailan hinding-hindi ako magkakandarapa sa pagmumukha mo! Eewwieee!" Nandiri talaga ako sa thought na magkakagusto ako sa kanya.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now