Sixty-One

128 5 0
                                    

Patricia Marie S. Longworth's POV:


"Bakit ba kasi hindi ka nagparamdam sa 'kin? Gaano ba kahirap makahanap ng tiyempo sa inyo? Imposible naman 'yang sinasabi mo eh." Pinaningkitan ako ng mata ni Brenda, "Hindi ako naniniwalang masyado kang busy."

Bumuntong-hininga ako, "Bahala ka kung ayaw mong maniwala sa 'kin." Sumandal ako sa upuan, "Oo inaamin kong may mga free time naman kami pero lahat ng 'yon inuubos namin sa pag-aaral. Hindi kami binigyan ni Tatay ng mga luxuries like cellphones and personal computers until graduation."

"Hindi naman masyadong oa ang Tatay mo," Umirap siya, "Masyado kayong pa-effect eh. Akala ko kinalimutan mo na ako... na baka nakakita ka na ng bagong best friend do'n sa Amerika."

"Hindi mangyayari 'yan, wala taong kasing paranoid mo do'n." Tumawa ako. "Wala kang katulad."

"niinsulto mo 'ko? Ikaw, gumanda ka lang inaalipusta mo na ako." Tinabisan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Hindi ah, kasalanan ko bang gumanda ako?" Tinuro ko ang sarili, "Saka maganda na ako dati pa."

"Ang hanin mo grabe." Umirap siya, "Oh so anong nangyari?"

"Anong nangyari saan?"

"Saan pa ba, eh 'di, yung mga nangyari sa 'yo right after lumipad kayo patungong Amerika." She flabbergasted.

"In short gusto mong malaman kung paano ako nakamove-on kay EJ?"

Tumango siya, "Well kung naka-move-on ka nga..."

Ako naman itong umirap sa 'ming dalawa, "Unang-una, hindi kami dumiretso ng US, nagbakasyon na muna kami sa Jeju island bago dumiretso sa America. Mga dalawang linggo kami do'n, afterwhich, lumipad na kami patungong LA, processed my papers, home schooled, and then pumasok ako sa isang business school, and for your information it was a boarding school and no outside communication is allowed."

"Grabe ha, kung alam ko lang ganyan pala ang magiging buhay ko kapag yayaman ako mananatili na lang akong dukha."

"Eh ikaw naman Ate Brenda, anong nangyari sa 'yo dito?" Tanong ni Jopet sa kanya.

Nagkibit-balikat siya, "Wala... nag-aral, kumayod, gumraduate, nagktrabaho..." Isa-isa niya kaming tiningnan, "Kukunin nga sana akong accountant ng mga Buenaventura eh."

"Then what happened?" Si Toni naman itong nagtanong ngayon.

Umiling si Brenda, "Wala, hindi ko tinanggap."

"Bakit, dahil malaki ang utang na loob mo sa 'min?" Humalukipkip ako sabay tinaasan siya ng kilay.

Hindi siya nakasagot agad. Tumungo siya ng kaunti tapos pinantayan ang tingin ko. "Hindi naman ako gano'n kabastos para tanggapin ang alok ng pamilyang sumira sa buhay ng pamilyang tumulong sa 'kin."

I smiled and nodded, "Good."

Huminga siya ng malalim, "So kailan ako magsisimula?"

I smiled, "Isn't it obvious? You're starting now."

"A--Ano?" Nanlaki ang mga mata niya, "Teka, time-out muna. Bakit ngayon na agad? Gaano ba karami ang gagawin natin?"

I pressed the intercom pasted on the wall, "Please bring in all the pending works."

A few seconds later pumasok ang tatlong tao, dala ang nakatambak na mga paperworks. Ipinatong nila ito sa lamesa sa harap namin saka umalis. Nanlaki ang mata ni Brenda habang nakatingin sa nagtataasang piles ng papel. Tumingin siya sa 'kin, "Ya-- Yan ang lahat ng tatrabahuin natin?"

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now