Forty Three

234 4 0
                                    

 

(Hello, sa mga bebe ko diyan, this chapter is Rated SPG. May maseselang tema, linguahe, karahasan, sexual, at droga na hindi angkop sa mga bata. Chos. Kaya paalala lang, kung ayaw niyo sa mga eksenang, ehem, alam niyo na… I suggest you skip after PM and EJ’s part na lang. Don’t worry, wholesome na wholesome ang “powerful duo” natin dito. *wink, wink*)

***

Patricia Marie Solon’s:

“Ang ganda mo rito Miss, oh.” Itinuro ni Kathie ang isang litrato sa screen. “Feel ko ito ang magiging cover ng No! Magazine this month. Palagay ko Miss, ang kasal niyo na ang pinakabonggang kasalanan next year. Ang dami-dami niyong sponsors tapos napakaraming makapangyarihang tao ang dadalo.”

Nagkibit-balikat lang ako. Manghang-mangha pa rin kasi ako hanggang ngayon sa mga pictures na nakikita. Alam niyo ‘yong feeling na hindi ka pa rin makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari. Ikakasal na ako sa susunod na taon, walang bisa na ang kontrata, at magiging opisyal na miyembro na ako ng pamilyang Buenaventura.

“Mrs. Patricia Marie Solon Buenaventura,” Nag-iimagine na saad ni Kathie sa tabi ko, “Grabe Miss, ikaw na talaga ang may pinakamahabang buhok sa mundo.”

Oo na, ako na ang may pinakamahabang buhok sa mundo. Ewan ko ba kung anong nakita sa ‘kin ni Joselito at minahal niya ako. Akala ko talaga makakatakas pa ako sa kontrata pagkatapos ng dalawang taon. Pero, heto, naghahanda na ako para sa kasal namin. Mula sa gown hanggang sa guest list. Isama mo na pati ang food tasting at kung anu-ano pa.

Pero ang sarap pala talaga sa feeling na alam mong mahal mo ang taong iyong pakakasalan. Wala na nga sigurong mas gaganda pa sa feeling na ‘yan.

Kakatapos lang ng prenuptial shoot namin. Ewan ko ba kung bakit medyo sexy ang naging concept nito. Ang haba kasi ng gown ko at napakahaba ng slit nito, kulay itim pa ha? Si Joselito naman ay nakatuxedo at, as always, gwapo. Sabi ni Kathie, eh, ala Brad Pitt at Angelina Jolie ang concept ng shoot.

Kasama ko lang naman ngayon si Kathie sa tent dahil iniwan na muna ako sandali ni Joselito at Bullet dahil may pag-uusapan daw sila tungkol sa pagrerenew ng kontrata sa network.

“Teka, Miss matanong ko lang,” Humalumbaba si Kathie at tinignan ako, “Apelyido po ba ng Tatay niyo ang Solon? Diba iniwan po kayo ng tatay niyo?”

Mabilis akong umiling, “Hindi nakasal ang Nanay at Tatay ko dahil salat sa pera. Nagkasal-kasalan lang sila sa isang kubo kung saan ako nabuo.”

Pansin kong natahimik siya kaya ngumiti ako’t pabirong tinapik ang kanyang ulo.

“Ang kwento ni Nanay, eh, nabuntis siya ni Tatay at wala silang pera no’ng mga panahong ‘yon. Tutol naman daw ang pamilya ni Tatay sa relasyon nila kaya pinili nilang huwag na munang magpakasal… hanggang sa hindi na nga nangyari dahil ipinanganak na ako.”

Tumango siya, “Pero alam niyo po ba ang apelyido ng Tatay niyo?”

“Longworth,” Maikling sagot ko.

“Longworth!?” Hindi makapaniwalang bulalas niya, “Ibig sabihin may—“

“Kalahating kano at kalahating pinoy ang Tatay ko.” Sabi ko.

“Kaya pala feel ko talagang may lahing banyaga ka Miss eh.” Sabi niya, “Hindi ka kasi mukhang purong pinoy. Noong una nga hindi ako naniwalang galing ka sa squatters.”

Bumuntong-hininga ako’t uminom ng tubig. Sumandal ako sa high chair at tumingin sa sariling repleksyon. Mapapansin ba talaga agad ng mga taong may dugong banyaga ako? Kaya pala sabi ni Lolo Guado, eh, kakaiba ako kung ikukumpara sa mga batang kalaro noon at hindi raw ako isang simpleng bata lang.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now