Seventy-Three

162 4 0
                                    


***

Patricia Marie's POV

A day has passed since Brenda and Toni went back to Alinam. Nakakainis nga kasi gustong-gusto kong sumunod kaso hindi ako makaalis dahil sa dami ng ipaatupag ko rito. Isa pa, walang signal dito sa Kahisan kaya malaking problema talaga ito. Nalaman lang naman ni Toni ang tungkol sa nangyari dahil may tauhang pinadala si Jopet para ipaalam ang nangyari.

Sa ngayon, binabaling ko na lang muna ang buong atensyon kay Lolo at sa construction ng hotel, iniiwas ang sariling ma-stress ng lubusan. To be honest, hindi lang naman ang problema sa kompanya ang kinaiinisan ko.

Naiinis din ako sa isang bakulaw na itago natin sa pangalang Eden Joe Javier.

Ganito lang naman kasi ang nangyari kahapon:

Lumapit sa 'kin si Manang Lupe. Sabi niya hindi raw kumakain ng maayos si Lolo. Sa tuwing sinusubuan niya ito eh nagmamaktol at hinahampas ang pagkain palayo. Nag-aalala ang butihing matanda dahil ilang araw nang hindi kumakain ng maayos si Lolo Guado. "Baka kakain siya kapag ikaw ang susubo." Sabi niya sa 'kin. "Mas lalo kasi siyang nagagalit kapag pinipilit ko Miss Longworth eh."

So I agreed at pumasok ng kwarto. Umupo ako sa paanan ng kama at kinausap si Lolo. "Lo, kain na po tayo. Kailangan niyo pang uminom ng gamot." Nilapag ko muna ang pagkain sa side table at hinayaan itong lumamig ng kaunti habang tinutulungan siyang makaupo. Nang makasandal na siya sa headboard ng higaan, nagsimula akong subuan siya.

No'ng una, tumitig siya sa 'kin, tila ba inaalisa niya kung kilala niya ako o hindi. Kinabahan ako, baka kako ihagis niya sa mukha ko ang mainit na pagkain. Diyos ko baka malapnos ang balat ko sa mukha!

Pero nung nilapit ko ang kutsara, hindi siya nagreklamo. Hinayaan niya akong makalapit. Nakatitig siya sa 'kin habang dahan-dahang ibinubuka ang nanginginig niyang bibig. Ngumiti ako, "Lo, sabi sa 'kin ni Manang Lupe hindi ka raw kumakain ng maayos. Paano po kayo gagaling niyan kung hindi kayo kakain? Alam niyo naman pong kailangang magkalaman ang tiyan mo bago ka makakainom ng gamot 'di ba?"

Umungol siya at iniwas ang ulo, tila ba nagmamaktol.

Napabuntong-hininga ako, "Lo, alam ko pong wala kayong gana pero tiis-tiis po muna ha? Kailangan niyo talagang kumain eh. Gusto niyo naman pong gumaling 'di ba?"

This time, mas malakas ang ungol niya. "Haaaaaayooooo...kooooo"

"Lolo Guads—Ay!" Marahas niyang tinabig ang pagkain dahilan para mahulog ito sa sahig. Napatingin ako sa kanya. Nagpakawala siya ng mas malakas ungol. Pinasadahan ko ng kamay ang buhok saka tumungko upang pulutin ang bowl.

Matapos linisin ang sahig, huminga ako ng malalim saka siya tiningnan. "Lo, ano po bang problema?" Umupo ako ulit sa kanyang tabi at hinawakan ang kanyang braso, "Hindi po kayo gagaling kung hindi niyo po susubukan. Lo naman eh..."

"He doesn't like the taste of it." A certain voice said.

I paused. My heart raced when I heard the voice and when I glanced at the doorway, hindi na ako nabigla, it's as if something in me knows it was him. I don't know why I reacted like that but I tried not to be obvious as I stood up. Nakahalukipkip siya at tinitingnan ako na para bang sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa. Tinaasan ko siya ng kilay at tuluyang hinarap, "What in God's name are you doing here again?"

"Are we really going to discuss that, again? We're going in circles here and it's annoying." He emphasized the word 'annoying'. Pumasok siya at umupo sa tabi ni Lolo, "Good morning Mr Solon."

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now