Twenty- two

263 7 0
                                    

 “Bwisit ka!”

Hinagis ko ang lampshade sa balahurang nakatago sa likod ng pader. Wala akong pakealam kung masira ko itong lampshade o maubos ko lahat ng pinggan sa bahay na ‘to, basta matamaan ko lang siya! Kahit isang bukol o gasgas lang sa mukha okay na. Kahit isa lang talaga!

“Miss PM, tama na po!” Sabi ni Kathie sa likod ko.

Lumingon ako sa bwisit kong katulong, “Ikaw! Isa ka pa! Huwag kang sumali dito kung ayaw mong matamaan ng pinggan ‘yang mukha mo!”

Natigilan naman si Kathie at napaatras na lang at inabot sakin ang mga platong hawak niya. Siya kasi ang taga-abot ko, “Ganun po ba? Madali naman po akong kausap Miss eh. Heto po oh. Sige pa po, marami pa po sa loob.”

Narinig namin ang isang buntong-hininga mula sa kabilang dako.

“Stop it Patring.” Walang kagana-ganang sabi niya habang nakapamulsa sa likod ng pader.

“Stop? Eh kung ‘yang buhay mo ang i-stop ko?” Sigaw ko sabay taas ng pinggan upang itapon sa kanya, “Punyeta ka!”

“What the hell is your problem? Kakagising ko lang at sinalubong mo na ako ng lumilipad na pinggan. Mahal ‘yan for your information.” Sabi ni Joselito.

Ganito lang naman kasi ang nangyari pagkagising ko kanina:

***

“Good morning Chupisto.” Bati ko sa stuffed toy na yakap-yakap ko.

Medyo maganda ang gising ko ngayon dahil binigyan ako ng isang araw na pahinga ni Madam. Sana ginawa niya na lang isang linggo para worth it naman lahat ng pagod ko. Tsk.

Kinusot ko ang aking mata at nag-inat bago tumayo ng kama. Nagtungo agad ako sa banyo at naghilamos, nag-toothbrush, umihi, at kung anu-anong milagro na karaniwan kong ginagawa.

Tapos na akong maghilamos at pinupunasan ko na lang ang mukha ko ng face towel tapos tumingin ako sa salamin para tingnan kung okay na ba.

Pero nahagip ng mata ko ang pulang marka sa leeg ko.

“Ano ‘to?” Tanong ko sa sarili sabay lapit sa salamin upang tingnan ng mabuti ang markang ‘yun. Baka kasi libag lang na hindi ko natanggal kahapon. Yuck. Kaderder ako masyado.

Tinitigan ko lang ito, hindi ko kasi alam kung ano ire kaya nilapit ko pa ang sarili sa salamin.

Pulang-pula ito at medyo may kalakihan.

Nanlaki ang mata ko nang maalalang may nakita din akong ganito sa dibdib ni Brenda. Ganito ‘yun… ganitong-ganito ‘yun eh.

“Anak ng tinapa!” Sigaw ko at mabilis na binuksan ang drawer sa ibabaw ng sink at kumuha ng bulak at alcohol.

Kulang na lang ipaligo ko ‘yung alcohol sa sarili ko, eh. Kiniskis ko ‘yung bulak sa leeg ko pero t*nginers ayaw matanggal!

“Matanggal ka! Matanggal ka lang!”

Kiskis dito. Kiskis diyan. Ayaw pa rin. Ayaw pa rin talaga…

Nalala ko ‘yung ginawang panghahalik niya sa leeg ko kahapon. So ang mahilig na ‘yun ang may gawa nito. Sinasabi ko na nga ba…

Mukhang makakapatay ako sa umagang ‘to.

***

“Aba’t tarantado ka pala eh! Kathie, pinggan!” Sabi ko at inabutan naman ako ng pinggan ni Kathie.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now