Fifty Two

150 2 0
                                    

 

Brenda Anne Matulin’s:

 

Blag!

Napaigtad ang babaeng nakaupo sa likod ng mesa nang ibagsak ko ang glass door.

Walang lingon-likog akong pumasok at nagtungo sa tapat ng opisina, “Nasaan ang boss mo?”

Mabilis na tumayo ang babae at sinundan ako, “Ma’am, hindi po kayo pwede rito.”

Hindi ko siya pinansin at marahas na binuksan ang pinto ng opisina. Wala siya.

Hinarap ko ang babae at sinamaan ng tingin, “Nasaan ang boss mo!?”

“With all due respect, Ma’am,” Tinaas niya ang dalawang palad para pakalmahin ako, “Bawal po kayong pumasok dito without an appointment.”

Natawa ako. Ipokrita ‘tong isang ‘to, eh. Alam niya ba kung anong kasalanan ng peste niyang boss?

“Appointment?” Binagsak ko ang kamao sa pader, “Isaksak niyo sa baga niyo ‘yang appointment niyo!”

Tinalikuran ko siya at tumakbo papasok pa ng hall. Binuksan ko ang bawat pintong nadadaanan, nagbabakasakaling makita ko ang hinayupak na ‘yon.

Pinagsisisihan kong minahal ko pa siya. ‘Yan na yata ang pinakamaling bagay na nagawa ko!

Gustong-gusto ko siyang bugbugin at iparamdam sa kanya ang sakit ng ginawa niya kay Pm.

Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Nagngingitngit akong ilabas lahat ng ‘to!

Binuksan ko ang huling pinto sa hallway.

Narito nga siya.

“Ma’am, hindi po kayo pwedeng pumasok!” Sigaw ng babae, sumusunod pa rin pala ‘to sa ‘kin? Eh ‘di mabuti, makikita niya kung paano ko ipapahiya ang pesteng ‘to!

Pumasok ako’t patakbong nagtungo sa dakong harapan ng mahabang table. May conference yatang nagaganap dito dahil may mga taong naka-pormal at may hawak-hawak pa siyang remote.

Pak!

“Sir!” Napasigaw ang sekretarya niya, “Ma’am, please…”

“Ano,” Napahingal ako sa tindi ng pagragasa ng emosyon, “masaya ka na!?”

Napaskil sa kanyang mukha ang matinding gulat. Hinawakan niya ang pisngi at nanlalaki ang mga matang tumingin sa ‘kin.

“MASAYA KA NA BA!?” Dumagundong ang sigaw ko sa buong conference room dahilan para mapaigtad ang mga tao.

“Stop it, Brenda—“

“Tumahimik kang peste ka!” Lumapit ako’t dinuro siya, “Minahal kita dahil akala ko mabait ka! Pero ito? Ito ang gagawin mo, ha!? Masaya ka nang nasira mo na ang buhay niya? Ano ha, sumagot ka!”

Kinuwelyohan ko siya.

“I said stop it!” Tinulak niya ako dahilan para matumba ako sa sahig. Mabilis naman akong tinulungan ng isa sa mga lalaking nakaupo.

Hinawakan ako ng sekretarya niya bago siya humingi ng paumanhin, “Sir, I’m so sorry.”

“Shut up and get her out!” Sigaw ni Butch, “Don’t let her set foot in this building again!”

“Bitawan mo ‘ko!” Hinawi ko ang hawak ng babae at hinarap ulit si Butch, “Hindi niyo na ako kailangang palabasin dahil aalis din naman ako. At hindi mo na kailangan pang sabihin dahil hindi na rin ako babalik dito. Pero ito ang tatandaan mo Butch, hinding-hindi siya magiging iyo. Kahit kailan hindi kita hahayaang makalapit sa kanya. Nagawa mo mang sirain ang relasyon nila ni Ej pero hinding-hindi mo siya maaangkin. Naiintindihan mo? Hangga’t nabubuhay ako, ilalayo ko si Pm sa ‘yo.”

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now