Seventy-Nine

161 4 0
                                    


Hello, sorry for the slow update. Life happens.

-Author


***

Patricia Marie's POV

Nagising ako dahil sa malakas na kulog bunga ng ulan. Tumingin ako sa bintana at napag-alamang gabi na pala. Nakatulog pala ako. Hindi ko man lang namalayang nakaidlip ako kanina.

Babangon sana ako kaso may kamay na humila sa 'kin pabalik ng kama. He pulled me in tighter and smelled my neck. "Good morning."

"Gabi na," Humagikgik ako, "Come on, let me go... I'll cook something for us."

He grunted and pressed me against him even more. "Five more minutes." Binaon niya talaga ang kanyang mukha sa aking leeg.

Umirap ako't mahina siyang tinulak. "Tigil na muna sabi." Hinawi ko ang kumot sa katawan, "Kapag hindi mo ako titigilan, sisigaw ako ng rape."

"Rape?" Tinaasan niya ako ng kilay at ngumiti ng loko, "Are you kidding me? I'm the one who was raped." Tumalikod siya at dahil alam kong mamanyakin niya naman ako dali-dali kong iniwas ang tingin, "Look at all the scratches you did on my back. It still hurts, you know."

My face flushed. Nalaglag ang panga ko. Nilingon ko siya pero ang gago nakangisi lang. Pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko sa hiya! Walangjo talaga 'tong isang 'to eh! Binubuwisit na naman ako. Gusto talagang makatikim ng sipa at suntok. Bastos.

Hinampas ko siya sabay subok na bumaba ng kama, "Gago ka, 'wag ka ngang ganyan!"

He laughed and pulled me back again. Natumba ako sa kanyang ibabaw at niyakap ulit ako. "I'm sorry... I just feel so attacked right now. It's not easy to tame a lioness, you know." Ngumiti siya ng loko. "But it was all worth it."

"Gago ka!" Sa inis nag-wrestling kami, nalaglag na nga kami sa kama dahil, ang mokong, ayaw talaga akong bitawan. Pinapainit na naman ang kataw—este—ulo ko! Hindi niya ba naiintindihan na baka unang-una, gutom na ako at pangalawa, hindi na ako makahinga. Hindi niya yata alam na napakalayo ng agwat ng mga timbang namin, minsan kasi pumapaibabaw siya sa 'kin at ang bigat-bigat niya talaga. Baliw talaga eh.

Matapos ang mahabang sagupaan namin ni EJ, nagawa ko ring makatakas. Habang pababa ako, rinig na rinig ko ang tawa niya. Manyak! Manyak talaga!

Pagkarating ko sa kitchen, binuksan ko ang pridyider at inabot ang kutsilyo sa kabilang counter. Pinusod ko ang medyo mahaba ko nang buhok at nagsimulang hiwain ang mga sangkap na ihahalo sa gagawin kong pagkain.

Huminto ako saglit at tumingin sa labas. Huminga ako ng malalim at nag-isip.

Gagawin ko ba talaga 'to?

Napag-usapan namin ni Ej na dito ako mamamalagi sa bahay niya sa loob ng tatlong araw. I don't really know what the purpose of this is, all I know is that I needed some time to think. Although medyo biased ako sa ginagawa kong 'to, naisipan kong maigi na rin kasi kung mangyaring... aalis nga ako, at least I had some time with EJ.

Plano naming magtago sa media. Balak niya rin sanang itanan ako pero tinanggihan ko siya. Ayokong tumakas, gusto kong magdesisyon... gusto kong maging matapang. At saka kahit saan lupalop pa ng mundo kami pumunta, matatagpuan at matatagpuan pa rin kami ni Tatay.

Sa ngayon, gagawin namin ang mga bagay na gusto naming gawin simula pa noon. As much as possible I don't want the media to know about this. The last thing I need is to let Tatay know. Ang akala niya nagpapahinga lang ako ngayon sa bahay. I'm sure kapag nalaman niya ito gagawa siya ng paraan para malayo ako kay EJ or baka nga i-pull out niya agad lahat ng investment namin sa project.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now