Eighteen

211 6 0
                                    

Patricia Marie Solon's 

“Ang sabi ko…” Hinila ako ni EJ palayo kay Kuya Butch, “Hindi siya pwedeng makausap.

Hindi ko makita kung ano ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa dahil nasa likod ako ni Joselito pero ramdam ko pa rin yung pressure sa pagitan nila. Dapat ko na ba silang awatin? Hindi pa naman sila nag-aaway eh tsaka baka hindi naman talaga sila mag-aaway, ganyan lang talaga sila magtitigan.

Baliw ka ba PM? Eh, halatang hindi maganda ang timpla ng dalawa eh.

“Umalis ka sa harap ni PM.” Ramdam ko ang pagpipigil ng galit ni Kuya. Ngayon ko lang siya narinig na galit. Madalas kasi ngumingisi lang siya sa harap ko o ba kaya’y inaasar ako pero never ang magalit o magpigil ng galit.

Umalis ako sa likod ni EJ at ako na mismo ang pumagitna sa kanila. Marahan kong tinulak palayo si EJ dahil nakita ko kasing nakakuyom na yung kamao niya. Ano ba ang problema ng lalaki’ng ‘to? Tsk.

Dinuro ni Kuya si Joselito sabay sabing, “Hindi mo siya pag-aari at kailanma’y hindi siya mapapasayo. Tandaan mo ‘yan.”

Kumunot naman ang noo ko, “Kuya, tama na.”

“Isn’t it obvious? She’s mine for now.” Sagot naman ni EJ. Talagang ginagalit niya si Kuya.

“EJ, ano ba?” Sinamaan ko siya ng tingin. Tumingin siya sakin, yung tipong kakain ng tao. Nakakatakot, oo pero kailangan ko silang pigilan dahil baka magsuntukan na sila sa harap ko.

“Ang kapal ng mukha mo—“ Akmang lalapit si Kuya Butch sa kanya kaya mabilis akong humarang.

“Teka kuya… Teka lang… Ano ba?” Pagpigil ko dahil talagang pinipilit niyang sumugod dun sa isa. Diyos ko! Paano na lang kung magsuntukan tong dalawang ‘to? Inay ko po! Hindi kaya ng mga buto ko ang laki ng katawan ng mga lalaking ‘to!

Tumingin ako kay Joselito. Tila nagbago yung klase ng tingin niya. Kung kanina nakikisakay siya sa pambabara ko, ngayon ay hindi ko na nakikita ang EJ na ‘yon. Ang nakikita ko ngayo’y isang lalaking handang makipag-away upang ipaglaban ang pride niya. Na para ba nung nakita niya si Kuya’y medyo nathreaten siya. Ewan ko ba kung tama ako. Hindi ko rin naman alam kung ano ang pinaglalaban nila o kung ano ang pinag-aawayan ng dalawang ito. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ang iniisip ng mga lalaki eh!

“Kapag may ginawa ka at ang pamilya mo kay Patricia. Sinusumpa ko pababagsakin kita.” Pagbabanta ni Kuya kay EJ.

Ngumisi si EJ na para bang wala siyang pakealam sa sinabi niya.  Grabe, ang angas… “Really? Can you?”

Nagtagis ang panga ni Kuya Butch. Tila natauhan naman ako’t mabilis na pumagitna ulit sa kanila. Tinulak ko silang pareho sa ubod ng aking makakaya. Lahat na ata ng lakas ko binigay ko na!

“Tama na—Tama na Kuya! EJ tama na! Ano ba!? Tama na sabi!” Sigaw ko. Grabe, ang hirap namang paghiwalayin ng dalawang ‘to, “Ano ba kayong dalawa? Sige magpatayan kayo! Hahayaan ko kayo kung yan ang gusto niyo pero huwag na huwag niyong gawin sa harap ko yan! Baka ako pa ang pumatay sa inyo eh! Ikaw Kuya, sige pairalin mo yang katigasan ng ulo mo’t habangbuhay na kitang hindi papansinin! At ikaw naman Joselito! Alam mong mainit yung dugo nung tao pinapatulan mo naman! Gusto mong magka-issue? Para kayong mga bata kung umasta! Leche! Pagsasampalin ko kayo eh!”

Pinasadahan ko ang aking buhok. Hindi kinikeribels ng beauty ko ang dalawang ‘to eh! Kalma PM! Kalma…

Tumingin sakin si EJ, “Make it fast.”

Tumango ako’t huminga ng malalim, “Susunod ako sa kotse.”

Tumalikod siya sakin tapos naglakad na palayo. Bumaling ako kay Kuya na siyang nakatingin naman sa lalaking kaaalis lang.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now