Fifty-Seven

110 2 0
                                    

BERNADETTE BUENAVENTURA

"Okay ka lang ba?" Niyakap ako kaagad ni Olivia pagkarating sa bench, "Sinabi sa 'kin ni Ricardo ang nangyari. Alam na ba ni Eden ang tungkol sa kasal niyo?"

Tumungo ako, "Hi-Hindi ko alam, Viang." Nang matantong niyang maiiyak na naman ako, niyakap niya ako ulit. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gusto kong tumakas sa buhay na 'to, gusto kong mawala na lahat ng 'to. Viang sana pinatay na lang ako ni Papa..."

Hinagod niya ang likod ko, "Huwag kang magsalita ng ganyan. May solusyon pa ang lahat ng 'to. Magtiwala ka lang ha? Narito naman ako, eh... kaming dalawa ni Bart narito kami para tulungan kayo."

Tumulo ang luha ko, "Pagod na pagod na ako sa buhay na 'to. Ang dami nang nasasaktan at nadadamay."

"Tiisin mo na muna, ha?" Hinawi ko ang mga hibla ng buhok sa kanyang mukha, "Alam ko matatauhan din ang Papa mo. Basta tapangan mo lang ang sarili mo at malalampasan niyo ni Eden 'to."

Pinilit ko ang sariling tumango. Dahil sa totoo lang hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang lahat. Dalawang taon ang ibinigay sa 'kin ni Papa para gawin ang dapat kong gawin. Dapat sa loob ng panahong 'yan, nakapagpaalam na ako kay Eden.. pero hindi ko kaya, eh.

"Bee, hindi ko alam kung anong sasabihin dahil sa totoo lang wala akong alam sa mga nangyayari," Hinawakan ko ang pisngi niya, "Pero magpakatatag ka ha? Matapang ka 'di ba? Lumalaban ka... hindi ka sumusuko. Tandaan mo 'yan."

This time, ako naman ang yumakap sa kanya ng mahigpit. Sana nga ako ang klase ng taong hindi sumusuko kasi sa ngayon, hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung hanggang saan ang kaya o kung kaya ko pa bang harapin ang mga darating.

"Bernadette," Tawag sa 'kin ng pamilyar na boses na 'yon. Ang boses na lagi kong hinahanap-hanap at ang boses na nagbibigay sa 'kin ng walang katumbas na sakit.

Dahan-dahan akong tumingala para tingnan siya. Bakas sa kanyang mukha ang pagod at pagkabalisa. Para bang ilang araw na siyang hindi nakakatulog.

"We have to talk." He said saka humakbang palapit sa 'kin.

Pero hindi na ako naghintay pang mahawakan niya ako. Tumayo ako kaagad at agad na tinalikuran siya. Mabilis akong naglakad palayo.

"Bee!" Tinawag ako ni Olivia pero isang ngiti lang ang sagot ko sa kanya. Iwan niya muna akong mag-isa.

"Bernadette please..." Hindi ko kaagad napansing nakasunod pala sa 'kin si Eden.

Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy sa paglalakad na para bang wala akong naririnig. Pero hinawakan niya ang kamay ko at hindi ito pinakawalan hanggang sa nahinto na ako.

"Let me go Eden." I said in almost above whisper.

"No," Marahan niyang hinila ang kamay ko, "Let's talk."

Umiling ako, "Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Wala na tayo 'di ba? Pinakawalan mo na ako. Ano pa ba ang ibig sabihin nito? Gusto mo tayo ulit?"

"I told you hindi kita pinakawalan," Siya ang umikot para humarap sa 'kin, "Hindi kita kayang pakawalan kaya kahit patago... kahit palihim... kakayanin ko basta ba tayo pa rin. Hindi mob a naiintindihan 'yon?"

"Naiintindihan ko," Tinitigan ko siya ng mata sa mata, "Noon... naiintindihan ko ang punto mo pero Eden iba pala, eh. Iba pala ang mararamdaman mo kung naiipit ka sa isang sitwasyon na wala kang kalalabasan. Humingi ako ng panahon... ng oras para makapag-isip ng paraan para makatakas pero wala. Wala akong maisip, blanko ako, natatakot ako... hindi ko alam kung anong gagawin ko."

"Nandito naman ako, eh. Tutulungan kita. Kaya natin 'to."

Ngumiti ako habang dinadama ang dumadaloy na luha sa aking mga mata, "Engaged na ako Eden."

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now