Sixty-Six

143 4 0
                                    


Patricia Marie Longworth's:

"Nay relax... opo I'm aware of it... alam ko at ginagawan na ni Jopet ng paraan 'yon. We'll be releasing the official statement sometime later. I don't know what the issue is as of the moment but I assure you I'll deal with it. Opo, naiintindihan ko po kung bakit galit si Tatay. Pakisabi sa kanyang kumalma lang kasi I have it all under control. Yes. Of course I will. Yes. Okay. See you. Bye." Binaba ko ang tawag at tinitigan ng matagal ang cellphone bago ito binitawan at nagpakawala ng hininga. Pinasadahan ko ng kamay ang buhok at nag-isip sandali.

What's the issue this time? What did he do?

Kablag! Bumukas ang pinto at pumasok si Brenda, humihingal pa siya akala mo may humahabol sa kanya. "Kailangan mong mapanood 'to." Dinampot niya ang remote at in-on ang TV.

I didn't say anything and just watched the program currently airing. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit galit na galit si Nay at Tay. Kamuntikan ko nang maihagis ang mga hawak na dokumento. Mag-iisang buwan pa lang ako rito hindi ko na mabilang ang mga issue. Bakit hindi pa nila isangkot ang pangalan ko sa issue sa Mondinaw? Isali na nila ako sa gyera do'n! Punyeta. Papatayin ko talaga ang lalaking 'to. I swear if ever I see him I'm going to burry my knuckles in his skull.

~

"Mr Jung totoo bang magsasampa kayo ng kaso sa L'World?"

Pinapaligiran ng mga reporters and walangjong si Butch. "Yes. I can't let something like this continue."

"So you really think L'World is biased?"

"Yes." Tumango siya, "It's an obvious conspiracy between L'World and the Javiers and I can't just let them do what they want. The convention is an important opportunity, all the other companies did their best to produce competent ideas and I don't believe Javier Corporation produced something astonishing. Sa tingin ko masyadong pinepersonal ng L'World ang event. Miss Longworth should know that the convention just doesn't revolve around her and EJ Javier. This convention is something that could help the country's economy and not bring ex-lovers to 'coincidentally' work together. Pasensya na pero hindi ako makakapayag sa ganito that's why I'm setting things straight. This is unlawful." Tumingin siya sa camera, "Miss Longworth if you're watching this. I hope to see you in court."

~

I gritted my teeth, "Gaano ba kakapal ang mukha ng lalaking 'yan? He's not going to let this go until he gets what he wants, is he?"

"Sa tingin ko, oo." Brenda nodded worriedly.

"Tanginang buhay 'to oh!" Binagsak ko ang kamay sa desk, "Kapag ako nagsawa sa mga issue'ng 'yan magkakagyera talaga rito sa Alinam!"

"Kalma lang, ang pangit mong magalit."

Hinagis ko ang ballpen sa kanya, "Isa ka pa hindi ka nakakatulong eh."

"So anong plano mo? Mukhang malaki-laki ang issue'ng 'to."

I heaved a frustrated sigh, "Ano bang nangyayari kay Butch? Kaibigan natin 'yan noon eh. Kuya-kuyahan pa natin. Anong droga ba ang nahithit ng lalaking 'yan at kung ano-ano na lang ang pinagsasabi sa media?"

"Eh ano pa ba? Eh 'di yung drogang hinithit mo rin noon dahil kay EJ. Obviously, mahal na mahal ka pa rin ng gagong 'yan hanggang ngayon at wala siyang ibang maisip na paraan para mapansin mo siya kaya 'yan, magsasampa siya ng kaso para makuha ang atensyon mo."

"Ah bwisit!" Sinabunutan ko ang sarili, "Hindi na ako natutuwa sa pagpapapansin niya ha. Hindi na ako natutuwa!"

"Wow hindi ka nga galit. Hindi halata."

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon