Nine

359 7 0
                                    

"PM!" 

Napamulat ako nang marinig ko ang pagdagundong ng boses ni EJ. Napabalikwas ako ng bangon at kinapa ang cellphone sa tabi ng unan para tignan kung anong oras na, "6:28!?"

Napamura ako. Hindi ba marunong kumatok ang lalaking 'to at talagang sinira pa ang tulog ko sa nakakarinding boses niya? Ano na naman ba kasi ang problema ng lalaking 'to?

"Teka lang! Andyan na! Agang-aga ang ingay eh!" Napakamot ako at padabog na tumungo sa pintuan. Marahas kong binuksan ito kahit bangag na bangag pa ako. Ika nga 'Magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising'. Gusto siguro ng lalaking tong makalbo ng wala sa oras eh. "Ano ba kasi ang problema mo!?" Singhal ko sabay bigay sa kanya ng nakamamatay na tingin.

Aba! At nakaligo na siya? Ano bang meron ngayon at parang ang aga-aga niyang nambwiset? 

"Pack your things, you're moving." Sabi niya sabay tingin sa 'kin mula ulo hanggang paa.

Tumaas ang kilay ko, "Oh? Ngayon ka lang nakakita ng babaeng nakapajama at nakasleeveless? Kung makatingin ka parang ngayon mo lang ako nakita ah?" Nagcross-arms ako. "Tsaka anong moving? Saan naman ako lilipat?"

"My room." Tapos tumalikod na siya. Ang suplado ah? Kita niyo? Kahapon ang tamis-tamis ngayon ang bitter na!  Ang lalaking 'to, kulang na lang itusok ko na 'to sa lupa eh! Ilang beses ko na ba siyang napatay sa isip ko?

"Hoy! Anong lilipat? Sa kwarto mo?" Sunod ko sa kanya sabay sundot ng likod niya."Bakit ako lilipat don eh okay na okay na ako dito sa quarters ah?"

"Just do it." Ni hindi man lang ako nilingon ng pangit.

"Oy, humarap ka nga sa 'kin! Mag-usap tayo ng maayos." Naglakad ako papunta sa harap niya, " Bakit ako lilipat doon? Bakit ako matutulog sa kwarto mo?"

"Inulit mo lang ang tanong." Tumalikod na naman siya. Ano bang problema ng lalaking to? Hindi ba siya napapagod kakaiwas?

"Sagutin mo kasi..." Namewang ako napagod na rin kasi ako sa kakaikot para humarap sa kanya.

"Lolo's going to check on us one of these days." Lumingon siya saglit sa 'kin at bumaling agad sa tinitignan niya. "It's better to be ready." 

"Teka naman, hindi ba pwedeng don na lang 'yung mga gamit ko pero dito pa rin ako sa quarters matutulog o kahit sa kabilang kwarto na lang? Hindi pwedeng dun ako matulog. Magbibihis ako, mag-babanyo pa tapos, basta yung kadalasang ginagawa namin! Baka masilipan mo 'ko!" Umikot ulit ako paharap sa kanya. 

"Hindi kita pinagnanasaan." Huminto siya sa kakalakad palayo at matiim na tumingin sa akin, yung titig na nakakatunaw. Ewan ko ha, pero parang nakakailang kasi eh, tipong seryoso, walang halong biro. Hindi katulad kahapon, sumasakay pa siya tapos nakikibara rin. Saan ba nagmana ang lalaking to? Ang layo niya kasi sa parents niya.

"Ay basta... Ang labo mo naman kasing kausap!" Napakamot ako sa anit. "Basta, hindi ako dun matutulog, okay?" 

"You're moving." Lumapit siya sa 'kin. Halatang nagpipigil lang ng galit eh. Ano kayang tumatakbo sa pag-iisip niya? "That's it."

"Teka nga, ano bang problema mo?" Usisa ko sa kanya. "Bakit bigla ka na lang nagsusuplado diyan? Sinira mo nga tulog ko ikaw pa galit!? Ang gara mo rin no?"

"That's none of your business." Naglakad na siya ulit patungo sa salas. "...and please, I have a lot of things to think about. Tsaka ka na makipag-away diyan."

Sumunod ako sa paglalakad. Hindi ko maintindihan kung bakit inuusisa ko pa rin ang bwiset na 'to. Siguro dahil damay na rin ako sa problema? Pumayag na kasi ako sa engagement churva na yan kaya malamang nasali na ako sa agendang yon. " Pwede ba Joselito, kasali na rin ako sa usapang 'to. Anong none of my business? Engaged na tayo tapos none of my business?"

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon