Thirty-Five

198 4 0
                                    

 

Patricia Marie Solon’s

“Anong ginagawa mo rito?” Kunot-noong tanong ko sa lalaking nakangisi sa harap ko.

“Sinusundo kita,” Ngiting-ulol talaga ang kumag, “Nawala ka na naman sa bahay. Bakit ba laging dito ka tumatakbo? Gusto mo talagang hinahabol kita ‘no?”

Umismid ako, “Puta ka, lubayan mo ako.”

Ngumiti lang ang kumag at akmang aakbayan ako pero mabilis kong hinawi ang kamay niya.

“Hindi mo ako girlfriend para sundan kahit saan,” Umirap ako at tumalikod upang pumunta sa sala ng apartment ni Brenda, “Makakaalis ka na.”

“Why not, you closed your eyes when we kissed,” Naupo siya sa tabi ko at napakalaki pa rin ng ngiti niya. Kapag ako hindi nakapagpigil, pupunitin ko talaga ‘yang bibig niya.

Nag-init agad ang mukha ko kaya hinampas ko siya, “Ang sabi mo pipikit ako kapag gusto kita, hindi mo sinabing pumikit kung gusto kong maging girlfriend mo, ulol!”

Tumawa siya at umilag sa hampas ko, “Oh so you want me to ask that, eh? Okay, close your eyes if you want to be my girlfriend.”

Pumikit siya at ngumuso. Nagdilim talaga ang paningin ko at mabilis siyang binatukan. Hindi ba siya nandidiri sa mga ginagawa niya? Sa susunod na um-akto pa siyang ganito, vivideohan ko talaga siya at ilalantad ito sa media. Kadiri, eh!

“Ow!” Sinapo niya ang ulo at sinamaan ako ng tingin, “What the hell was that for?”

Umirap ako, “Nakakadiri ka, alam mo ‘yon? Alis na sabi!”

“Gusto mo naman,” Sumandal siya at iginiya ang dalawang kamay sa kanyang batok, “And I’m not leaving without you.”

Hahampasin ko sana siya ulit kaso biglang pumasok sa eksena si Brenda. Kakaligo niya lang at tingin ko, eh, maghahanda na siya para sa trabaho, “Hi Ej!”

Ngumiti lang si Joselito sa kanya sabay tango, umirap na lang ako at napailing. Nakalimutan ko nga palang partners in crime ang dalawang ‘to.

“Hi Pm!” Bumaling naman sa ‘kin si Brenda at ngumisi ng pagkalaki-laki.

Sarkastiko akong ngumiti at sumandal sa upuan sabay halukipkip.

“Magsilayas nga kayo rito!” Biglang sigaw niya, “Ginagawa niyong love nest itong apartment ko, eh!”

Sinamaan ko siya ng tingin, “Aba, hindi kami naglalandian dito ha? Itong asungot na ‘to ang sumisiksik sa sarili niya dito sa apartment mo.”

“Heh! Kahit magpatayan pa kayo sa harap ko pakikipaglandian pa rin ‘yan para sa ‘kin!” Bulyaw niya sabay itinuro ang pinto, “Lumabas na kayo!”

Fifteen Minutes Later…

“Aray Brenda, aray!” Nabuwal ako kay Ej pagkalabas ko ng apartment, “Kung makatulak naman itong babaeng ‘to.”

Hinagis niya ang sling bag ko at pabagsak na isinara ang pinto.

“Walang hiya ‘yong babaeng ‘yon,” Sabi ko na lang sabay sukbit ng sling bag, “Parang hindi ako kaibigan. Palayasin ba naman ako.”

Inakbayan ako ni Joselito at kinabig pasiksik sa kanya, “She’s just jealous, wala raw kasi siyang lovelife.”

Umismid ako at marahas na hinawi ang kanyang kamay, “Anong ‘us’? Walang ‘us’ naiintindihan mo? Sinabi ko lang na gusto kita tayo na agad? Ano ‘to fast forward?”

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon