Thirty-Six

170 7 0
                                    

 

Patricia Marie Solon’s

Ilang araw matapos ang interview namin ni Joselito sa talkshow ni Noh, eh, medyo humupa na ng kaunti ang issue. Pero may mangilan-ngilan pa rin namang bumabash sa ‘kin at may mga haters na raw ako ngayon. Sinabi naman ni Bullet at Ej sa ‘kin na huwag na lang silang pansinin dahil iinit lang talaga ang ulo ko. ‘Yan kasi ang role ng mga haters sa buhay mo, eh. Buhay nilang manira ng buhay ng iba ika nga ni Joselito. Kaya para maiwasan ang end of the world hindi ako nag-iinternet at iniiwasan kong manood ng TV nitong mga nagdaang araw.

Sa ngayon peaceful ang pamumuhay namin sa bahay. Buong linggong walang trabaho si Joselito dahil katatapos lang ng teleserye niya at ang paghahanda na lang para sa upcoming movie niya ang inaatupag niya ngayon. Hindi ko alam ang plot, eh, pero siguro may kinalaman sa katawan. Lagi ko kasi siya nakikitang nagwo-workout.

Alas otso na ng umaga kaya bumaba na ako ng kwarto matapos maligo. Early birds kasi kami dito sa bahay. Si Kathie yata ang palaging winner pagdating sa paagahan ng gising. Parang siya lang ang nilalang na excited bumangon araw-araw.

Nagtungo ako sa kusina at nahinto nang makita ko ang mga pagkain sa mesa. Sa kabilang dako ng table, nakita ko si Kathie’ng kumakain kaya lumapit ako’t kinalabit siya.

“Birthday mo?” Tanong ko sabay tingin sa mga pagkain.

Umiling si Kathie at isinubo ang pagkain, “Hindi ah tapos na po birthday ko.”

Kumunot ang noo ko, “O, eh bakit ang daming pagkain dito?”

Nagkibit-balikat lang siya, “Hindi ko rin po alam, basta nung nagising ako nakita ko si Sir na nagluluto. Tatanungin ko sana kaso inunahan niya ako, sabi niya kumain na raw ako kapag nagutom ako kaya, heto, lumantak ako.”

Natahimik na lang ako. Ano bang iniisip ng lalaking ‘yon? Lahat ng pagkain naming sa linggong ‘to, eh, niluto niya. Nakakapagod kayang mamili!

“Nasaan siya?” Pinasadahan ko ang buhok.

Ngumuso si Kathie sa dako ng dirty kitchen. Kunot-noong nagtungo ako do’n at nakit ako nga si Joselitong nagluluto. Sumandal ako sa may pintuan at humalukipkip sabay tumikhim.

Sinalubong niya ako ng ngiti nang lumingon siya.

Diyos ko, kakagising ko lang, hindi pa ako handang atakihin sa puso kaya pwede ba, bawas-bawasan niyo naman ang kagwapuhan nitong mokong na ‘to?

“Good morning,” Bati niya sa ‘kin sabay kaway gamit ang spatula.

Kinontrol ko ang sarili at tumuwid ng tayo, “Bakit ang dami mong niluluto, birthday mo?”

 Umiling siya at tuluyang humarap sa ‘kin, nagtungo siya sa mesa at hiniwa ang mga sahog na nakahanda. Yung totoo, bakit siya naka-apron na may tatak na “The Sexy Cook”?

“I just want to check my cooking skills,” Sagot niya, “Matagal-tagal na rin akong hindi nakapagluto.”

“So inubos mo ang laman ng ref para lang icheck ang cooking skills mo?” Tinuro ko pa ang ref sa labas.

Simpleng tango lang ang sinagot niya at nagpatuloy sa paghihiwa.

“Joselito hindi natin mauubos lahat ng niluto mo,” Lumapit ako at naupo sa tapat niya, “Sinasayang mo lang ang pagkain.”

“Then we’ll give it to the neighbors,” Sabi naman niya, “Suki sila ng mga luto ko.”

Tinaas ko ang kilay at ngumiti, “Talaga lang ha?”

Matikman nga. Kumuha ako ng kutsara at pasimpleng kumuha ng kapiraso ng niluto niya.

Infairness may lasa naman siya kaso medyo nakulangan ako.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now