Eleven

420 6 3
                                    


Patricia Marie Solon's

"What is she like?" Tanong nung isang reporter kay EJ.

"Oh, she's a great woman. The average one, she has this fiery fist and hell for a mouth."

Pinatay ko ang TV at pinandilatan ang lalaking kanina pa lakad ng lakad sa likod ko habang may kausap sa cellphone.

"Hell for a mouth?" Nilingon ko siya at binigyan ng tingin. "Kailan pa naging impyerno ang bibig ko!?"

Tumingin lang siya sakin saglit at bumalik sa pakikipag-usap sa cellphone. Ang lalaking to!

Nagsasalita ako! Huwag mo akong talikuran!

Tinanggal ko ang tsinelas ko at malakas na hinampas sa ulo niya. Sapul!

PM! For three!

"Ow!" Napalingon siya sakin at tinuro ako, "I'll kill you after this!"

Inangat ko ang dalawa kong kamay at winagayway ito na para bang nanalo ako sa isang contest.

"Oh! I'm sorry!" Napahawak siya sa batok, "I was talking to somebody else! It's not you! Right... Yes... I will... Tomorrow... Great... Bye..." Tumitig lang siya saglit at biglang hinagis ang cellphone malapit sakin.

"You do realize I was on the phone?" Nagtagis ang bagang ni Joselito.

"Alam ko kaya nga hindi ko sinasadyang hampasin ka ng tsinelas eh." May halong sarkasmo yan! Nagcross arms ako at matamang tumingin sa kanya. "Ano bang ibig mong sabihin sa 'she got hell for a mouth'?".

"Do you not see? Literal na impyerno yang bibig mo! With all the cussing and the talking and the freaking noise it makes! It's like you have a machine gun built right inside that piece of flesh!"

"Ah ganon!?" Tumaas ang kilay ko at lumapit ako sa kanya, "Machine gun ang bibig ko!?"

"Yes. Its like whenever you're around I feel like I'm in the middle of a war! Magulo, maingay, at walang punto!" Tinaas niya pa ang magkabilang balikat.

"War? Ganon?" Lumapit pa talaga ako, at kinwelyohan siya. "Eh kung literal kaya kitang patayin para matigil ka na diyan sa kakareklamo mo!? Mister Eden Cheese, wala kang karapatang magreklamo dahil unang-una, ang dami-daming dapat ireklamo diyan sa pag-uugali mo!"

"See! May sinagot ka na agad! Alam mo ba kung may ibang babae sa sitwasyon mo ngayon ay aabutin pa ng ilang minuto bago makakapagsalita? This proves that you are hideous!" Nagcross arms siya at yumuko ng konti para lumebel sa mukha ko.

Kahapon epic, ngayon hideous?

Mukha lang kaming mga tanga, parang gusto ko lang siyang hamunin ng suntukan ee! Kinekwelyohan ko siya habang siya naman nakayukong tumitingin sakin! Ang kinang ng height niya! Nasilaw ako! Bwiset! Bumitaw ako at pinandilatan siya.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon