Eighty-Three

133 5 2
                                    


***


Patricia Marie's POV

"Stay with me PM! You better stay with me!"

Kinurap-kurap ko ang mga mata. Nahihilo ako. Ang hirap huminga. Ang sakit ng dibdib ko. Wala ako halos makita. Umiikot lahat ng bagay. Ang sakit ng katawan ko. Hindi koi to maigalaw. A—Anong nangyayayri?

"PM, come on." Naramdaman ko ng konti ang pagpisil ng lalaki sa aking kamay. "Don't sleep. You have to stay awake."

Nilingon ko siya. Logan? Hindi ko siya masyadong makita. Ang labo kasi ng aking paningin, hindi ko masiguro kung siya nga ba ito o hindi. Sinubukan kong abutin ang kanyang mukha pero hindi ko magawa, masyado akong nanghihina. Naigalaw ko ng konti ang katawan pero nagdala naman ito ng matinding sakit. Napaungol ako. Dinig ko ang tibok ng aking puso, kahit ang hininga ko'y dinig na dinig ko rin, kahit ang mahinang boses ng lalaki sa tabi ni Logan. Rinig ko ang tunog ng ECG monitor sa aking tabi. Hindi katagalan, nalaman kong may oxygen mask na palang nakakabit sa akin.

"Is she going to be okay?" Hindi malinaw ang boses ni Logan pero nagawa kong maintindihan ito.

"...will be." Saad naman ng lalaki, "Don't...rry."

Shit. Ano bang nangyayari sa 'kin? Nothing seems to make sense.

Tumingin muli si Logan sa 'kin. Hinaplos niya ang aking buhok. Sa sobrang lapit ng kanyang mukha, I saw him made a reassuring smile. "We're going to the hospital. Don't worry, you're going to be okay."

Huminga ako ng malalim. Mukhang hindi nakakatulong ang oxygen mask, hindi pa rin ako makahinga. Bawat hingang ginagawa ko ay nagdadala ng kirot sa aking dibdib.... para bang may butas ito.

And then I remembered what happened.

Butch pulled the trigger. He was going to kill us both pero pinrotektahan ako ni EJ. Na—Natamaan si Joselito.

Tumingin ulit ako kay Logan. "E—E...J..." I managed to utter.

He inhaled. "We're driving next to his ambulance." Sagot niya.

May lumapit sa akin, yung lalaking kasama ni Logan. I figured nan aka-uniporme siya, medic yata. May hinawakan siyang parte ng katawan ko in which bigla na lang akong napangiwi sa sakit. Ano 'yon? Bakit ang sakit? Anong ginawa niya sa 'kin?

Tumingin siya kay Logan, "She broke a rib." Sabi niya, "The bullet must have penetrated from Mr Lonworth's body and hit her there." Tumingin siya sa 'kin, "Miss Longworth relax lang po tayo ha? Hangga't sa maaari po ay iwasan niyo po munang kumilos o magsalita."

Tumingin ako ng diretso sa kanya. "E—E...J" Wala akong pakealam sa sarili ko. Gusto kong malaman kung nasaan si EJ. Kung okay lang ba siya. Kailangan niya ako eh. Hindi ko siya puwedeng iwanan.

"Nasa isang ambulansya po siya." Sabi ng medic. "Malapit na po tayo sa ospital. As of now, i-relax niyo muna ang sarili. Pinapangako kong magkikita kayo ulit ni Mr. Javier."

Okay. Okay. But we have to be fast. May sugat siya. Nakita ko kanina, pinrotektahan niya ako at tumama ang baril sa kanya. Malalim ang sugat niya, kailangan siyang magamot agad. Kailangan... kailangang...

Hinawakan ni Logan ang kamay ko. Ngumiti siya saka hinawi ang mga hibla ng buhok sa aking mukha. "He's going to be okay. Trust him."

***


Nanay Olivia's POV

Maraming nakaabang sa labas ng ospital pagkarating namin. Napakabilis kumalat ng balita at nang malaman nilang kami ang nasa loob ng kotse, agad silang nag-unahan palapit at nagtulakan para lang makakuha ng interview sa amin. Dali-daling sinara ni Bart ang bintana at tumingin sa akin.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now