Thirty

754 4 0
                                    

 

Patricia Marie Solon’s

“Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko kay Ej. Hila-hila niya pa rin ang kamay ko.

“We’re escaping.” Sabi niya.

Humihingal na ako. Pucha pie naman kasi, kanina pa ako tumatakbo. Kulang na lang sumabog na ang lungs ko. Hindi na ako makahinga, e.

“E, kung gusto mong mapabilis ang pag-iwas natin sa kanila, bakit nilagpasan mo lang ang kotse mo?” Tinaasan ko siya ng kilay habang tinuturo ang kanyang kotse sa ‘di kalayuan, “At saka, timeout muna! Hindi na ako makahinga, e!”

Lumiko kami at mabilis na nagtago sa isang madilim na eskinita. May mga tao kasing sumusunod sa amin kaya tumatakbo kami. Ang hirap namang tumakas sa kamay ng mga epal na ‘yun.

Sumilip si Joselito sa daan, “Sana hindi nila tayo nakita. Be quiet.”

Ipinatong ko sa magkabilang tuhod ang aking mga kamay at huminga ng malalim para makabawi sa pagod, “Madilim naman dito, e. Hindi na siguro tayo makikita ng mga ‘yun.”

Manaka-naka pa rin siyang sumisilip sa labas nitong eskinita upang siguraduhin kung hindi nga ba nakasunod ang mga tao.

Katahimikan.

Hindi ko maiwasan ang mapatingin kay Joselito.

Gusto niya ba talaga ako?

Gusto ko siyang tanungin at kumpirmahin ‘yung mga sinabi niya.

Seryoso ba talaga siya?

Ang bilis kasi ng mga pangyayari, e. Hindi ko maiwasang isipin na baka nadadala lang siya sa mga nangyayari. Baka nadadala lang kami…

Naaninag ko ang mukha niya. Kaharap ko siya habang nakasandal ako sa pader. Nasa may di kalayuan naman ang streetlight kaya medyo nasisinagan ang kanyang mukha.

Giniya ko ang ulo patagilid upang masuri siya ng mabuti.

Ang tangos ng ilong niya, manipis at pula ang labi niya, makapal ang kanyang kilay, napakaperpekto ng hugis ng kanyang mukha… at ang mata niya, shit, ang mata niyang mapang-akit. Asset niya na talaga ‘yan.

Ah! Ano ba tong nangyayari sa akin? Bakit ko ba siya pinupuri!? Wala namang kaaya-aya sa mukha niya, e! Hmmp, mukha siyang malanding hipon na galing pa sa Pluto. Tama, ‘yun nga. Isa siyang alien.

“Shit!”

Nagulat ako nang biglang lumapit si Joselito sa akin. Isinandal niya ang kanyang braso sa pader at bahagyang nilapit ang kanyang mukha.

“Did they see me?” Bulong niya sa sarili, “I hope not.”

Nadikit ako sa pader. Hindi ako makagalaw. Tila nanigas ako.

“Don’t move Patring, they’re coming this way.” Bulong ni Joselito.

Pakshet, ang bango ng hininga niya.

Throb!

Shit, ang sakit ng dibdib ko! Sumisikip na naman ito!

Bumilis ang paghinga ko. Huminga ako ng malalim upang ikalma ang sarili pero, tangina, napuno ang sistema ko sa bango ni Ej. Naaamoy ko na naman ang pabango niya.

Hindi ko napansin ang pagdaan ng mga tao, pero sa tingin ko’y dumaan nga sila dahil lumapit pa ng kaunti si Joselito. Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha ko sa leeg niya, ang taas kasi ng gago.

Sumiboy ang malakas na hangin dahilan para humalimuyak ang amoy ng pabango niya.

Nakakaadik.

Dahan-dahan akong pumikit, inilapit ko ang mukha sa kanyang leeg at inamoy ito. Shit, ang bango talaga.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon