Twenty-eight

204 8 0
                                    

Patricia Marie Solon’s

“That’s what you get for seducing me.”

Nakalaglag ang panga ko. Seduce? Teka… nilandi ko ba siya!? Hindi naman diba? Parte lang ‘yun ng prod at higit sa lahat, parte lang ‘yun ng pagpapanggap namin!

Huminga ako ng malalim sabay tayo ng tuwid. Pumikit ako ng mariin bago dumilat at binigyan siya ng isang matalim na tingin.

Ngumiti ng nakakaloko si Joselito.

Akala niya madadala ako? Bwisit!

Pak!

“Ouch!” Sigaw niya sabay sapo ng pisngi niyang tinamaan ng palad ko. Aba, malakas ‘yon, de kalyo na ‘tong mga kamay ko!

“Bakit mo ginawa sakin ‘yon ha? Bastos ka! Tinuruan ka ba ng good values and right conduct ng mga magulang mong malandi ka? O kahit sex education man lang? Papatayin kita!” Sigaw ko.

Blag!

Hindi na sampal ang ibinigay ko. Sinuntok ko na siya sa tiyan dahilan para mapaatras siya.

Sinapo niya ang kanyang tiyan, “Stop it Patring—ouch!”

Blag!

“Kailan ba papasok diyan sa kukote mo na hindi ako ang klase ng babaeng magpapahalik at magpapachansing sa ‘yo? Bwisit ka! Akala mo madadala mo ako diyan sa pagpapacute mo o diyan sa pagiging artista mo!? Pakshet… wala akong pakealam sayong malandi ka!”

Blag!

“At kailan ko pa sinabing pwede mo akong halikan kapag tayo lang? Wala sa kontrata ‘yon bwisit ka! (Pabulong) At talagang kinagat mo pa ang labi ko? Feeler ka! Hindi ka pa nakuntento sa pagnanakaw mo ng unang halik ko, hinalikan mo pa ako ng ganon—french kiss?”

“Oh for Pete’s sake! That wasn’t a french kiss! I didn’t put my tongue in your mouth… I just bit your lip—“

Pak!

“Wala akong pakealam! Basta ‘yon yun! Papatayin talaga kitang hayop ka!” Sigaw ko sabay sugod sa kanya.

Pero mabilis siyang nakabawi at nahawakan ang kamao ko.

Tinabig niya ito palayo at hinawakan ang isang braso ko at inikot ako. Nakaharap ako sa salamin ngayon at galit na nakatingin kay Joselito na hawak-hawak na ang dalawang braso sa likod ko.

“That hurts, you know.” Sabi niya sabay galaw ng panga niya.

Nanlaban ako, “Bitawan mo ‘ko! Hayup ka! Kapag ako nakawala sayo, nako, ilalambitin talaga kita ng patiwarik sa overpass ng DESA na nakahubad!”

“Shut up Patring, your overacting.” Sabi niya habang nakatingin sa repleksyon ko.

“Overacting? Hindi ako magiinarte at magoover react ng ganito kung hindi mo rin ako over na minamaniac at nilalandi! Overkill na ang tawag diyan! Bitawan mo ako!” Nanlaban ako ulit.

“It’s your fault. Who told you to do that prod? You shocked me.” Tanong niya.

“Pakealam mo ba? Bitawan mo ako sabi. Isa…” Pagbabanta ko.

“May pakealam ako.” Sabi niya sabay irap.

“Gusto mo tuhugin ko ‘yang mga mata mo, ha?” Humihingal na ako sa kakagalaw at panlalaban.

Bumuntong-hininga siya sabay bitaw sa dalawang braso ko. Mabilis naman akong tumakbo palayo at iminuwestra ang dalawang kamay ko na para bang magkakarate ako. Nako, kahit hindi ako marunong magkarate, pipilitin ko talaga ang sarili ko lumayo lang siya.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Where stories live. Discover now