Twenty-six

215 8 0
                                    

 

Patricia Marie Solon’s

“Kailangan mong maghanda ng isang prod para sa birthday ni Eden.” Sabi sa akin ni Bullet habang palakad-lakad siya sa harap ko.

Birthday niya pala? Ilang taon na ba ang bisugong ‘yun? Tsaka, may birthday pala siya? Hindi naman siya mukhang tao para magcelebrate ng birthday, eh. Para kasi siyang malanding alien na galing pa sa Pluto.

Dalawang araw na simula ‘nung nakauwi kami mula sa Kahitsan. As usual, hindi na naman kami nagpapansinan ni Joselito. Hindi ko siya pinansin pagkauwi namin. Nabusy na rin kasi kami sa trabaho agad kaya ganon. Tsaka, ayoko nga… matapos niyang sakalin si Kuya Butch ng ganon?

Pero hindi niya naman ‘yun kasalanan eh. Kung tutuusin, may kasalanan din si i Kuya Butch kasi ginalit niya si Joselito. Mabuti na lang talaga’t nasampal ko agad si Ej bago niya pa tuluyang mapatay si Kuya Butch ‘nun.

Oo, sinampal ko siya dala ng takot ko. Natauhan siguro siya sa lakas ng sampal ko kasi bigla na lang siyang bumitaw sa pagkakayakap sakin na tila ba naguguluhan siya sa mga nangyari. Tinanong niya nga ako kung bakit niya ako niyayakap.

Hay. Mabuti na lang talaga… mabuti na lang at nandoon ako para pigilan ang pagwawala niya.

Balik sa reality.

“Ako?” Tinuro ko ang sarili.

“Hindi, si Kathie. Si Kathie ang magpoprod!” Sarkastikong tinuro ni bakla ang katulong kong nagwawalis sa gilid habang sumisipol.

Inirapan ko siya, “Bakit ako? Si Ericka dapat ‘yung magpoprod, sila ‘yung loveteam eh.”

“Shunga ka ba talaga? Chaka na nga ang beauty mo, pati utak mo chaka rin? So kailangan terno, ganon?”

Sinamaan ko siya ng tingin, “Hoy bakla, dahan-dahan diyan sa bunganga mo. Bakit? Matalino ka? Bwisit ‘to.”

Inirapan ako ni Bullet, “Ay basta, ano bang gagawin mo para sa asawa mo? Bilis na! Magdecide ka na para maisali na ito sa transcript ng AXAP ngayong Linggo.”

Nag-isip naman ako. Ano bang gagawin ko para sa lalaking ‘yun? Hindi naman ako sanay sa mga surprise-surprise na ‘yan, eh. Tsaka, wala akong alam sa mga prod-prod na ‘yan.

“Eh kung kantahan niyo na lang po siya Miss Pm? Kungbaga, pakakantahin na muna si Sir Ej tapos bigla kang dadating sa kalagitnaan ng kanta tapos magduduet kayo. Oh, diba? Hindi pa hassle… tsaka hindi na kailangang paghandaan. Maganda naman ang boses mo eh.” Biglang sabat ni Kathie habang hindi pa rin tumitigil sa pagwawalis.

“Kumakanta ka?” Tanong sakin ni Bullet.

Nagkibit-balikat ako, “Hindi ko alam, basta kumakanta ako paminsan-minsan sa mga videokehan.”

“That’s great. Now we’ll just have to decide on what you’re going to sing.”

***

“You got the best of both worlds.

You’re the kind of man who can take down a girl,

And lift her back up again…”

“Medyo off ka ng konti ‘dun sa ‘lift her back up again’.” Sabi nung sound director sakin, “Ulitin natin.”

Nandito ako sa isang studio kasama ang ilang staff ng AXAP na naghahandle ng presentation ko kay Joselito. Bali, secret presentation, lingid kasi ito sa kaalaman ni Ej. Ang tanging alam niya lang ay magduduet sila ni Ericka upang ipromote ang kanilang teleserye at pati na rin ang third anniversary ni Joselito sa industriya.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt