5

424 6 0
                                    

Patricia Marie's POV:

"Lilipat kami ng paaralan?" Tanong ni Toni.

"Lilipat tayo ng bahay?" Tanong naman ni Jopet.

Parehong nakahalukipkip ang dalawa. Nakaharap sa 'kin habang nagpang-abot ang mga kilay.

Umuwi na muna ako sa bahay kinabukasan upang tingnan ang kalagayan ng dalawa. Naabutan ko silang naghahanda sa pagpasok sa eskwela.

"Gaano ba kayaman 'yang boyfriend mo? Pati tuition fee namin sinasagot na, eh." Nakataas ang kilay ni Jopet.

Pati ako napaisip.

Mayaman... mayaman na mayaman.

"Magpasalamat na lang tayo sa kanya. Mabuti na lang at tinutulungan niya tayo." Labag sa loob kong pagkasabi.

"Tulong o blackmail?" Nagdududang tanong naman ni Toni.

Sinipat ko siya. "Bukal sa loob niya ang pagtulong, ano ka ba?"

Nagkibit-balikat siya. "Di natin alam. Wala nang libre sa mundo."

"Nagbebenta ka ba ng katawan mo!?" Nanlaki ang mga matang tanong ni Jopet.

"Batukan kita jan! Gago." Nakabusangot kong sabi.

"Bakit pa kami ililipat ng school?" Dagdag ni Toni. "Anong kinalaman namin sa engagement niyo? Pakakasalan niya rin ba kami?"

Napahimas ako ng sentido. Jusko, ba't ang kulit nitong mga kumag na 'to.

"Para masiguro nilang makakapag-aral kayo ng maayos." Sagot ko. "Mas mainam na rin para makapasok kayo sa mayos na kolehiyo."

"Bakit, hindi ba kami nakakapag-aral ng maayos sa public school?" Sarkastikong banat ni Toni.

Namumuro na talaga 'tong batang 'to sa 'kin.

"Kilala nila ang may-ari ng skwelahang lilipatan niyo. Mas mainam na 'yon. Hindi kayo magugulo ng media."

"Media? Bakit, artista ba siya?"

"Hindi."

"Politiko?"

"Hindi."

"Model?"

"Hindi."

"Pornstar?"

Tinabisan ko ng tingin si Jopet.

"Negosyante." Naiinis kong sabi.

"Matanda?" Si Toni naman nagtanong.

"Hindi."

"May taning na ba?"

"Potek. Ano ba!?" Napapadyak ako sa sahig.

Siniko ni Jopet si Toni. "Paanong nakabingwit ng boyps 'yan si Ate eh mukha naman 'yang lalaki?"

"Gusto mong dumugo mukha mo, Jopet?" Pinandilatan ko siya.

"Sigurado ka bang hindi ka nagtutulak ng drugs?" Tanong ni Toni.

Sinamaan ko ulit siya ng tingin.

Nakukumisyon talaga ako sa dalawang 'to.

Namaiwang ako at nagseryoso. "Para matahimik na kayo, eto na lang, bibisita siya sa ospital bukas. Kung gusto niyo siyang makita, pumunta kayo."

Nagkatinginan ang dalawa.

Namaiwang ako. "Kaya, parang awa niyo na, umayos kayong dalawa, naiintindihan niyo?"

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon