Seventy-Five

136 4 0
                                    

***

Nagising ako sa sunod-sunod na tilaok ng manok ng mga kapitbahay namin. "Aray ko..." Anas ko sabay hawak ng sentido. Hindi katagalan, naramdaman kong bumaliktad ang aking sikmura at ang sama-sama ng aking pakiramdam. Mukhang naparami yata talaga ang nainom ko kagabi. Tangina, sana pala naghinay-hinay ako o kaya hindi na lang ako uminom. Pahamak naman oh.

Bumangon ako at tumingin sa paligid. Bakit ang gulo ng kwarto? Anong nangyari dito kagabi? Teka—nalooban ba kami!? Hala! May akyat-bahay din ba rito sa Kahisan? Oh shit, ang laptop ko! Ang mga dokumento ng kompanya! Baka pati yun nakuha. I need to make sure it's not taken.

I sat up straight and tried getting out of bed as fast as I could but my sight clouded and my head spinned. Napabalik agad ako upo sa paanan ng kama at hinimas ang ulo. Manaka-naka akong napapangiwi habang nililibot ang paningin sa paligid. What the hell happened here? Ugh~ and what did I do to be wasted like this? May pinapasok ba ako rito kagabi? "Manang Lupe?" Tawag ko, umaasang lalapit ang butihing matanda. "Manang Lupe may pumasok po ba rito kagabi?"

Puta nahihilo talaga ako. I need a moment. I need something to drink. Pa'no ako makakapagtrabaho kung hindi ko maaagapan 'tong putang hangover na 'to? Sinapo ko ulit ang ulo at binagsak ang katawan sa higaan. Para akong nasusuka, na nahihilo, na ewan... takte, hindi ko maintindihan.

Pero kailangan kong bumangon dahil marami pang tatrabahuin sa site. So I did my best to stand up and walk myself out of the room. Nakahawak ako sa pader habang naglalakad, apparently, hindi ako makalakad ng maayos dahil una, masakit pa rin ang paa ko at pangalawa, hilong-hilo ako.

Bago tumuloy sa kusina naupo muna ako sa sala at nagpahinga sandali. "Hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya. Mamamatay na ako." Anas ko habang humihingal. Ilang metro lang ang nilakad ko pero dinaig ko na ang nag-fun run. "Shit, tubig... kailangan ko ng tubig."

"Here." May biglang nag-abot sa 'kin ng isang baso ng tubig.

I didn't have to ask myself kung sino ang taong nag-abot sa 'kin ng tubig dahil obyus na obyus naman since, aside from Lolo and Aling Lupe, siya lang ang kasa-kasama ko rito sa bahay. So I accepted the glass without asking why. "Thanks." I said.

"Sure," Sagot niya naman. Nilampasan niya ako at umupo sa tapat which is why I couldn't help but smell his perfume when he passed by. Wow ang aga-aga at mukha na siyang tao. Nakaligo na siya at bihis na bihis na for work. At ito pa nakangiti siya sa 'kin habang tinitingnan akong umiinom. Kumunot ang noo ko. Teka lang ha, anong meron? Nahihiwagaan ako sa kanya. Anong nangyayari? May nangyari ba? May alam ba siyang hindi ko alam? Ano 'tong feeling na 'to? Bakit parang hindi ko ito gusto.

"What?" I asked as I finished the glass. I scrutinized him from head to toe. "Ang aga-aga may problema ka na sa 'kin?"

"Can you chill? It's too early in the morning for you to grump around."

"You're acting weird," Sinamaan ko na naman siya ng tingin, "Ano na naman ba ang gusto mo?"

He smiled, bit his lower lip, and looked away. "Did you know you were so wasted last night Longworth?"

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Sinasabi ko na nga ba't tungkol na naman 'to sa paglalasing ko kagabi. I rolled my eyes, "Okay... okay... alam ko. You don't have to tell me that. Mang-aasar ka na naman ba? Mamaya na kung okay na ang pakiramdam ko. Diyos ko, give me a break. Ang sama ng pakiramdam ko Javier."

"No, I'm not going to tease you." he met my eyes. "In fact, I'm not going to say anything more."

My forehead creased and I gave him a questioning look. "What do you mean? Did something happen last night? Did I try to kill you or what?"

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon